Nakipagkuwentuhan si Luissa sa Seniora habang lihim na nagmamatyag sa paligid ng Villa. Hinintay niyang makita ang anak niya. Hindi rin siya pweding magtanong kung nasaan ang ampon ng mga ito at baka magtaka pa kung bakit alam niyang may inampon ang mga ito at kung bakit hinahanap pa niya. " Seven years din iha, mula nang umalis ka dito. Ilang beses din kitang naiisip at naitanong ko sa sarili kung nasaan kana ba at kung ano na nga ba ang nangyayari sa'yo. Hangga't napansin namin noon ang isang bagong artista na kamukha mo. Akala namin na kamukha mo lang talaga at wala sa aming isipan na ikaw nga si Miss Lady Loise Lacsamana. Sobrang ikinatuwa ko ang pagdalaw mo ngayon at muling pagpapakita dito sa villa. Akala namin na tuloyan kanang nakakalimot sa amin." Mahabang wika nito pagkatapos

