CHAPTER 2

1021 Words
“SIR, dumating na po si Mr. Coangco. Nasa VIP room na po siya,” mahinang bulong ni Lucas. Hindi pa rin niya inaalis ang paningin sa babaeng sumasayaw sa maliit na entablado. Nakasuot ito ng maskarang itim at ang tanging tumatabing sa pribado nitong katawan ay ang pares na panloob. Hindi ko ugaling magpunta sa lugar na ganoon kung hindi lang sa hiling ng aking ama na makipagkita sa dati nitong kaibigan. Isang importanteng tao na nagawa ko pang magtagal sa loob ng club. “Alright,” ani ko nang makatayo. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa babaeng patuloy na sumasayaw bago nagpatiunang humakbang patungo ss VIP room. Ilang bodyguards ang pumalibot at sumunod sa akin. “Look who’s here,” ani ng matanda matapos humithit ng sigarilyo. Singkit ang mga mata, mahaba ang bigote at balbas nito. Agad ring tumayo nang makalapit siya sa akin. “I’m really glad to meet you, Andrei,” anito kasabay ng paglahad ng kamay. Humakbang na si Lucas upang tugunin iyon ngunit maagap kong tinanggap ang palad ng matanda. “Nice to meet you, Mr. Coangco,” nakangiti kong tugon. “Napakapormal mo naman, Andrei. Just call me, Ricky. Magkaibigan naman kami ng ama mo. Have a seat, please.” “Okay, Ricky. Let’s get straight to the point. I am here because of my father’s request to meet you. I’ve heard that you are looking for an additional investment in your company. So, where is the proposal?” Napatitig sa akin ang matanda na hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa mga labi. Mayamaya pa ay hinithit nito ang hawak na sigarilyo. “Why don’t we just enjoy the night right at this moment before we discuss about the proposal?” “I’m afraid I can’t do that, Ricky. I still have business to attend to.” Tumayo na ako. “Nice meeting you and have a good night.” Mabilis na akong tumalikod kasunod ng mga bodyguards. “Mr. Coangco, maraming salamat po sa inyong oras.” Narinig kong sabi ni Lucas. “Please don’t hesitate to call us whenever you’re ready with the proposal.” Napatigil ako sa paghakbang nang hindi ko makita si Lucas. “Bakit ang tagal mo, Lucas?” tila naiiritang tanong ko habang nakatitig sa babaeng nagsasayaw pa rin sa entablado. “Sir Andrei, binigay ko lang po ‘yong calling card.” “Do you know her?” Hindi ko magawang ihiwalay ang mga mata sa babae hanggang sa tuluyan na itong matapos sa pagsasayaw. Malakas na nagpalakpakan at hiyawan ang sunod na ingay kong narinig. “Si-Sir?” tila naguguluhan na tanong ni Lucas. “I am talking about that woman who just left. May ideya ka ba tungkol sa kanya?” “Wa-wala po, Sir. Hindi ko po siya kilala.” Doon ko lang nilinga ito. “You know what to do. I need to know everything about her, as soon as possible.” Sinenyasan ko na ang mga bodyguards na mauna ng humakbang. Agad naman tumalima ang mga ito. “Did you understand what I’ve told you?” muli kong tanong kay Lucas na tila gulat na gulat pa rin siya kanyang sinabi. “Ye-yes, Sir!” malakas nitong tugon. HINDI ko mawari kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili na titigan ang magandang mukha ng babae. May kakaibang kislap ang mga mata nito habang kinakausap ni Lucas kahit na halatang tila hindi ito komportable. Lalo pang nag-igting ang malalim na pahiwatig sa paningin ng babae nang magtama ang aming mga mata. “Miss!” tawag ni Lucas ngunit hindi man lang ito lumingon nang magsimula nang humakbang. Agad na sumakay ito sa humintong taxi. “Miss!” ulit na tawag ni Lucas. “Hayaan mo na, Lucas.” Muli kong sinenyasan ang mga bodyguards. Agad na tumalima ang mga ito. Sunud-sunod na pumasok sa kani-kanilang sasakyan samantalang naiwan ang isa upang pagbuksan siya at si Lucas. “Pero, Sir Andrei…” “Don’t worry, makikita pa natin siya,” nakangiti kong turan. May pakiramdam ako na hindi iyon ang una at huli naming pagkikita ng dalaga. “Paano po ‘tong naiwan niyang gamit?” bakas ang pag-aalala sa boses ni Lucas. “Ako na muna ang bahala riyan.” Mabilis kong kinuha ang hawak ni Lucas. “Okay po, Sir.” Tumungo ito saka siya naunang pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod din naman agad ito sa kanya saka isinara ng isa sa bodyguard ang pinto. “Nakita mo na ba siya?” Marahas na lumingon ni Lucas. Nakakunot ang noo na tiningnan niya ako. “Si-sino po ang tinutukoy ninyo, Sir?” Hindi ako kumibo. Tinitigan ko ang hawak na panyo at ang isang maliit na kahon. “Ah, ‘yong babae po ba kanina?” Napalunok ito. “Hi-hindi ko pa po siya nakita, Sir.” Tumangu-tango ako. Bakit ba hindi ko makalimutan ang maganda nitong mukha? “I want the result of your special task tomorrow. Idagdag mo na ang detalye tungkol sa babaeng may-ari nito,” tukoy ko sa panyong hawak. “Yes, Sir,” walang atubili na tugon ni Lucas. “Tiyak na mag-oovertime na naman ako.” Kahit papaano ay nagkaroon ng saysay ang pagpunta ko sa club na pinanggalingan. Kung tutuusin, kaya naman ni Lucas ang makipag-usap kay Mr. Coangco ngunit mas pinili kong maghintay at humarap sa matanda. Hindi na rin ako lugi sa kapalit na natamo dahil nakita ako ang isang babaeng tila bumulabog ng buo kong sistema. Bagama’t nakasuot ito ng mask at ang mga lalaking naroon ay nakatitig sa makurba nitong katawan, ako naman ay pilit na inaaninag ang kabuuan ng mukha nito. Sa malas lang, may suot itong mask. Hindi ako maaaring makalimutan ang magandang pares na mga mata ng dalaga. Mayroon itong dalang kakaibang koneksiyon sa akin na kailangan kong alamin. “Sir, diretso na ba tayo sa villa?” mayamaya pa ay tanong ni Lucas. “Let’s go back at the office. May mga kailangan pa akong tapusin ngayon.” “At the office,” utos ni Lucas sa driver kasunod ng pagtango nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD