Ikalabing-lima

1588 Words
Rosario Naalala ko na noong sampung taong gulang ako, namatay ang ama ko dahil nakuryente siya habang nangingisda sa sapa, dahil doon nagbago ang buhay namin. Simula pa lang hindi kami namumuhay ng mariwasa, tama lang. Noong buhay pa ang papa ko, ang mama ko ay nasa bahay lang, gumagawa ng gawaing bahay, inaalagan ako at si papa habang ang papa ko ay isang mangingisda sa isang palaisdaan sa amin. Pero nang mamatay ang papa ko, napilitan ang mama ko na magbanat ng buto para may makain kami at may pambayad sa utang na ginamit namin pampalibing kay papa. Kaya naghirap kami. Pero kahit na ganoon tuloy pa rin ang buhay. Ngunit may isa pang problema ang mama ko, ako. Bata pa lang ako, mahina na ang resistensya ko. May hika rin ako at dahil malayo ang pagamutan sa aming lugar at mahal rin ang gamot kaya hindi kami pumupunta, sa halamang gamot lang kami kumakapit ng mama ko para gumaling ako tuwing hinihika ako. Kaya ng magkaroon ng isang medical mission sa aming lugar, hindi kami nagpatumpik na pumunta roon. Bukod sa libreng check-up at gamot, nagbibigay rin sila ng dalawang kilong bigas, mga delata at mga damit. Kaya naengganyuhan kami na pumunta. Ngunit nang magpa check-up ako roon, sinabihan ako ng isa sa mga doctor na may sakit ako sa puso. Hindi ko maintindihan ang iba niyang sinabi ganoon din si mama. Ang naiintidihan lang namin ay maysakit daw ako sa puso, medical term na kasi ang ginamit niyang mga salita sa mga sunod na sinabi niya. Ang mama ko naman ay agad na natakot para sa kalagayan ko at ako rin mismo. Kasi ang bata ko pa para magkasakit at higit sa lahat wala kaming pambayad sa hospital. Natakot ako ng sobra habang nasa utak ko ang mga salitang, 'maghihintay na lang ba ako hanggang sa mamatay ako dahil sa sakit ko?' Pero sinabihan kami noong doctor na 'wag mag alala dahil pupuntahan niya raw ako sa bahay namin para check-up-in. Hindi ko alam kung bakit kailangang gawin niya yun siguro naawa siya sa amin. At siguro gusto niya lang talaga ang manggamot kahit walang bayad. Mas mahal niya ang panggagamot kaysa sa pera. 'Yun nga. Pinupuntahan ako noong lalaki sa amin, dalawang beses kada buwan ngunit tumigil din siya sa pagbisita sa amin pagkatapos ang halos limang buwan. Sa bawat pagdalaw niya, palagi niya akong dinadalhan ng pagkain, damit, sapatos, tsokolate, bulaklak, at mga regalo na masasabi kong mahal dahil hindi ko kadalasan nakikita sa lugar namin ang mga bagay na 'yun. Noong una masaya ako pero habang tumatagal, natatakot na ako. Kapag chine-check-up niya ako, hinahawakan niya ang kamay ko kapag kinuhaan niya ako ng Blood Pressure o ng temperatura sa katawan. Hindi ako nakareklamo noon dahil si mama ay natutuwa dahil nga tinutulungan niya kami ng libre pero iba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking 'yun dahil bawat hawak niya sa akin... Nandidiri ako... Pero gaya ng sabi ko, hindi na lang nagpakita si Doc Gian sa amin bigla. Hindi na siya bumalik. Si mama hindi alam ang gagawin dahil nang huling dalaw ni Doc Gian, 'yung doctor ko, hindi niya sinabi kung magaling na ba ako o hindi. Kaya naghanap si mama ng paraan para malaman kung magaling na ba talaga ako o hindi pa. Dahil hindi namin kaya ang bayad sa hospital, sa albularyo kami o sa mga manggagamot sa lugar namin kami kumakapit... o di kaya naghihintay kami sa muling pagbalik ng mga medical mission. Hanggang sa marinig ng mama ko ang tungkol kay Ka Impeng. Dayo siya sa aming lugar. Ngunit makalipas lamang ang ilang araw na paglipat niya sa amin, naging sikat siya dahil sinabi niyang manggagamot siya at kaya niyang gamutin ang kahit na anong sakit. Una walang naniwala sa kanya pero ng may nakakita sa kanya na may napagaling siya, dumami ang kanyang mga kliyente. Pinuntahan ni mama ang lugar nila Ka Impeng kasama ako. Ngunit malayo pa lang kami, hindi na kami tumuloy sa paglapit, dahil sa sobrang daming tao. Maraming nakapila. Kaya sabi ng mama ko, babalik na lang daw kami. Mayroon din kasing labada na naghihintay kay mama noon. Gusto lang niya talagang makita kung totoo ba na maraming nagpapagaling sa nasabing manggagamot. Paalis na kami ng may makasulubong kaming lalaki sa daan. Papunta siya sa bahay pagamutan ni Ka Impeng. Ngunit tinawag niya kami at nilapitan. Tinanong niya kung magpapagamot ba kami kay Ka Impeng, sinagot siya ng mama ko, sinabi ni mama na magpapagamot kami at kinuwento niya ang mga sinabi ni doc Gian doon sa lalaki. Nagpakilala ang lalaki, sabi niya katiwala siya ni Ka Impeng at baka pwede raw siya tumulong na ipakausap sa amin ng personal ang manggagamot. Hindi ako mapakali ng mga panahon na yun. Kasi habang nakikipag-usap ang lalaking yun sa mama ko, nakatitig siya sa akin na para bang may iniisip na hindi maganda. Tumingin ako kay mama kung ganoon din ba ang nararamdman niya ngunit masayang-masaya lang si mama sa narinig niya mula sa lalaki. Pinadala nga ako ni mama doon kina Ka Impeng matapos ang ilang linggo.... Napahawak ako sa magkabilang tenga ko habang nanginginig sa takot. Naalala ko ang mga malalaswang titig niya sa akin, paghawak at ang pagtangkang pangagahasa niya sa akin. Natatakot ako. Nanginginig ako sa takot habang bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari sa bahay ni Ka Impeng. Natatakot ako. Kasi hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Ang huling natatandaan ko ay nasa kama ako habang nasa ibabaw ko si Ka Impeng, hinahaplos niya ang katawan ko. Hindi ko alam kong naggalaw niya ba ako o hindi. Tahimik na umiiyak ako sa kama ko habang yakap-yakap ang sarili ko. Nakaupo lang ako sa gitna ng kama ko. "Rosario..." napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Enzo. Kanina pa siya? Bakit hindi ko narinig bumukas ang pinto ng kwarto ko? "Ikaw..." mahinang saad ko. Puno ng pangamba ang mukha niya. Humakbang siya palapit sa akin. "Layuan mo ako..." walang boses na sabi ko. Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Ang sakit-sakit. Isa pa to. Tumigil siya sa paglapit sa akin. "Rosario..." mahinang tawag niya sa pangalan ko.. "Sinungaling ka." Mahinang wika ko. Nahihirapan akong sabihin yun. Halos wala ngang lumabas na tunog yun. Nakita ko sa mata ang pagkaguilty sa sinabi ko. Mas lalo akong napaiyak. Naikuyom ko ang kamay ko at mabilis na kinuha ko yung mga gamit na nasa tabi ko at tinatapon sa kanya. "Sinungaling ka! Niloko mo ako! Manloloko!" Galit na galit na wika ko. Hindi siya umilag, ginamit lang niyang pangdepensa yung braso niya sa bawat bato ko. "Sabi mo..." Nagulat ako ng yinakap niya ako. Napahagulhol ako. "Tama na..." pakiusap niya. Pero tinulak ko lang siya. "Bitawan mo ako!" Galit na sabi ko. "Magpapaliwanag ako..." pakiusap niya. "Let me explain. Pakinggan mo muna ako, mahal..." "Tumahimik ka!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya. Sinampal-sampal ko siya at kinalmot pero hindi ko pa rin ako makawala sa kanya. "Hindi kita asawa!" Malakas na sigaw ko. Kumirot ang ulo ko kaya napatigil ako. Binigay ko ang lahat-lahat ko sa kanya. Tumingin siya sa mukha ko. "Niloko mo lang ako..." nanghihinang wika ko. Tumulo muli ang mga luha ko. "Bakit?" Umiiyak na tanong ko. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Pinagkatiwalaan kita." Umiiyak na sabi ko. "Pinagkatiwalaan kita ng buong puso ko 'tapos ngayon," mahal na mahal kita. Pero malalaman ko ang ganito... Bakit? "Kasi mahal kita." Madamdaming sagot ni Enzo. "Mahal na mahal kita, Rosario kaya nagawa ko 'to." "Sinungaling ka." Nanghihinang sagot ko. "No. Mahal kita at tunay lahat ang pinakita ko- "Hinding-hindi na ako maniniwala sa kasinungalingan mo, Enzo!" Galit na sigaw ko at tinulak ko siya ng malakas kaya napaatras siya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya habang humahangulhol sa sobrang sakit. Sinungaling! Sinungaling! Sinungaling ka, Enzo! "Umalis ka at ayoko na kitang makita pa!" Galit na sigaw ko sabay tingin sa kanya. "Alis!" Utos ko ulit ng hindi siya gumalaw. "Ayaw mo?!" Tanong ko kasi parang natuod lang siya sa kinatatayuan niya. "Ako na lang yung aalis- "No." Mahinang saad niya. "Dito ka na lang at ako na yung aalis." Sabi niya kahit may himig sa boses niya na ayaw gawin yun. "Pero Rosario, tandaan mo, mahal na mahal kita..." malungkot na sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko ng tumalikod siya sa akin nakita ko ang mga kislap ng butil ng tumulong luha niya... Nanghihinang napaupo ako sa kama ko. "Sana maalala mo ako. Huwag lang yung mapait na nangyari sa 'yo." Rinig kong wika niya habang binubuksan ang pinto. Lumingon siya sa akin, "Maghihintay ako, hanggang sa maalala mo ako." Sabi niya at malungkot na ngumiti sa akin. Tuluyan na siyang umalis. Hindi naman sa ganoon eh. Nasasaktan ako. Kasi nagsinungaling sa akin si Enzo. Yung tiwala ko sa kanya, nabasag. Marami akong beses nagtanong tungkol sa lalaking yun, sinabi niyang wala siyang alam kay Ka Impeng. Atsaka sa mga alaala ko, walang Enzo. Kaya sino siya sa buhay ko. Hindi ko na alam ang totoo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Enzo lang yung kinakapitan ko, tapos ngayon, malalaman ko, nagsisinungaling lang pala siya. Mahal niya ba talaga ako? Kasi ako, mahal na mahal ko siya. Kaya mas nasasaktan ako ngayon. Dahil sa ideyang hindi ako buo ng makilala ako ni Enzo. Hindi ako karapatdapat sa kanya. Marumi ako. Marumi akong babae. Ang dumi-dumi ko! Napahagulhol ulit ako at napahiga sa kama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD