May inis sa mukha habang nakatingin si Hunter sa kapatid ni Rebecca na tila palakang nakabulagta sa sahig...Sa edad na bente tres anyos ay para pa rin itong bata kung umasta..kaya naiinis siya sa tuwing umaali-aligid ito sa kaniyang tabi at nagpapansin..iyun pa naman ang isa sa pinakaayaw niya sa mga babae..iyun bang mahilig magpapansin
!..para kasi sa kaniya ay hindi magandang tingnan para sa isang babae na ito mismo ang nagbibigay ng first move para lang pansinin ng lalake..
Ano ba kasing kalikutan ang ginagawa nito gayung mababa lang naman ang kama ay nagawa pa nitong mahulog at mapilayan..napaka-immature talaga!
imbes na natapos. na ang pag-uusap nila ni Don Facundo ay umeksena pa ito kaya lalo na siyang natagalan sa bahay ni Don Facundo..dahil mas inuna ng matandang lalake na sagipin ang katangahan ginawa ng anak nito..
Kanina pa kasi nagtetext si Mario at may mahalagang pupuntahan sila nito na hindi niya maaaring palampasin, ang pagkakataon na iyun dahil doon nakasalalay ang matagal na niya pinaplanong negosyo na matagal na niyang gustong itayo ang kaso nga lang ay hindi niya nakuha sa madaling transaksyon ang nagmamay-ari ng lupa na gusto niyang bilihin..at ngayon ay hindi niya gustong mahuli sa kanilang usapan dahil mahalaga sa kaniya ang bawat oras at ayaw niyang nahuhuli kapag tungkol nasa negosyo ang pag-uusapan..dahil yun ang unang-una itinatak niya sa kaniyang utak that Time is Gold...,at kung hindi lamang sa pakiusap ng kaniyang ama ay hindi siya tutungo sa bahay ng mga Wright dahil natitiyak niya na tila isa na naman paro-paro na aali-aligid sa kaniya ang anak ni Don Facundo..at hindi nga siya nagkamali ng sapantaha dahil ngayon gumawa na naman ito ng eksena..hindi sana siya susunod para umakyat kung hindi lamang siya tinawag ni Don Facundo..
"I can't get up,Dad."napangiwing turan ni Margaux ng subukan siyang ibangon ng kaniyang ama..
Humihingal na rin ang kaniyang ama ngunit hindi siya nito kayang buhatin..matanda na kasi ito at sa kaniyang palagay hindi na siya nito kayang buhatin pa..hindi katulad noon mga bata pa sila ay sagana sila sa karga ng ama,ngayon ay kahit maitayo siya nito ay hindi na nito kaya..ang buhatin pa kaya siya..
Ano ba kasi ang itinatayo-tayo ng Hunter na ito sa may pinto ng kaniyang kuwarto,wala man lang ba talaga itong kunsensya at hindi man lang nito maisipan tulungan ang kaniyang ama para mabuhat siya or hindi lang nito gustong tumulong dahil siya iyun..bakit pa ito sumunod,anong ginagawa nito doon? para makita lang ba ang katawatawa niyang hitsura,kunsabagay!hindi naman nga ito nakatingin!parang puno lang ito na nakatayo at walang pakiramdam..Napaka-harsh ng lalakeng ito sa kaniya..wala naman siyang alam na atraso dito para isipin hindi siya tao sa paningin nito..ano siya bagay..nakakainis!
"Ano ba naman kasi pinaggagawa mo,hija.."malumanay na tanong ng kaniyang ama.
Hindi masagot ni Margaux ang tanong ng kaniyang ama dahil wala siyang balak na ibuking ang sarili,kung bakit ba siya nahulog sa kama..Lalo na at nasa may pinto lamang ang lalakeng siyang dahilan kung bakit siya napilayan tapos heto at wala man lang pakialam..gusto na niya itong sigawan "buhatin siya.."ang kaso napakamanhid!
"Paano ba iyan,hindi kita kayang buhatin..wala pa ang Doctor na magtitingin sayo."
"But I can't..it's so masakit.."aniya na parang bata..na sadyang pinarinig talaga kay Hunter..Hinihintay talaga niya kung magkukusang loob naman ito na buhatin siya kahit hindi ito pakiusapan ng kaniyang ama.
"Excuse me, Sir..."
Napatanga si Margaux ng makitang nasa harapan na niya ang lalakeng kanina pa niya inaaasam-asam na buhatin siya..at tila isang papel lamang na siya sa lalake na walang kahirap-hirap na binuhat siya nito at ibinaba sa kaniyang kama..medyo pabagsak pa nga ang ginawa nitong pagbaba sa kaniya kaya medyo napaigik siya..Kita mo ang lalakeng ito!nagvolunteer nga na buhatin siya pero balak naman doblehin ang sakit ng kaniyang katawan,walanghiya!
Pero okay lang...dahil sa wakas kahit hindi naman sadya ay nagkaroon siya ng pagkakataon na mapansin nito..napapikit si Margaux,napakabango ng katawan nito,nanunuot sa kaniyang ilong..ang sarap amoy-amuyin,masarap palang madikit sa katawan nito pakiramdam niya idinuduyan siya sa alapaap lalo na ang isipin na karga siya nito.. naku naman,ito na ba ang simula ng pagkakaroon nila ng koneksyon sa isa't isa..ibig sabihin kasi nakita na siya nito..hindi pala siya bagay at nag eexist naman pala siya sa lalakeng ito..Ayeei..okay lang pala kahit ilang beses siyang mahulog sa kaniyang kama basta ito ang bubuhat sa kaniya..kahit araw-arawin pa niya ang magpatihulog..bawing-bawi naman..
Napakagat labi siya at hindi maitago ang kilig na nadarama.
"Be mature..hindi ka na bata para mag-inarteng parang bata...."pabulong na wika ni Hunter at ipinaramdam ang pagkainis para kay Margaux.
Natigilan si Margaux..masakit yun ah!grabe naman ito makapagsalita..tila may isang tinik na tumusok sa kaniyang puso at nakudlitan iyun ng bahagya dahil sa binitiwan nitong mga salita..ganun ba ang tingin ng lalakeng ito sa kaniya,isang immature!...mas masakit pa iyun kaysa sa sakit ng kaniyang balakang.
"Salamat Hunter,hijo!"pasasalamat pa ng kaniyang ama na walang kamalay-malay na mas domoble pa ang sakit na nararamdaman na kaniyang nararamdaman.
Tumango lamang si Hunter...
"Hija,ihahatid ko lang si Hunter sa labasan,nandiyan naman si Rodha..habang hinihintay nyo si Dr.Franco."
May lungkot sa mga matang tumango lamang siya at hindi na nag abala pa na lingunin man lang si Hunter na lumabas na ng kaniyang silid.
Humiga ito ng nakatagilid..dinamdam niya ang bininitiwang salita ni Hunter..may sumungaw na butil ng luha mula sa malungkot niyang mga mata..hindi niya talaga lubos maisip kung bakit ganun na lang ang pakikitungo sa kaniya ni Hunter gayung wala naman siyang natatandaang atraso na dapat nitong ikagalit sa kaniya..pero bakit ganun na lang ang pakikitungo nito sa kaniya..Malamig pa sa malamig na ice.
Napasinghot siya at pinahid ang tumulong mga luha...
"Masakit pa ho ba,Mam?"tanong ni Rodha..
Narinig siguro ni Rodha ang bahagya niyang pagsinghot kaya tinanong siya nito..
Napatango na lamang siya bilang sagot sa tanong nito...hindi naman niya pwedeng sabihing nasasaktan ang kaniyang puso ngayon..dahil wala naman nakakaalam ng tunay na kaniyang nararamdaman para kay Hunter...matagal na niyang inaalagaan sa kaniyang puso ang lihim na pagtingin sa binata..dahil nakasisiguro siyang mahal na niya ito.