Kabanata 40

1000 Words
Hindi alam ni Margareth kung paano siya nakapunta ng bar basta ang alam niya ay kaagad na pinasibad niya ang sasakyan matapos ang naging pag-uusap nila Hunter. "Hey,girl!sarado na po kami."nakaangat ang kilay ni Beatrice "So,ano naman kung close na kayo,basta gusto kung uminom." "Ay wow!"napalatak si Beatrice sa sinabi ng kaibigan."magla-lock po ako rito dahil uuwi ako sa bahay,alam mo naman may alagain akong buntis."anito na ang tinutukoy ay ang kaibigan nila na si Maris. Matapos kasi nitong lumabas ng hospital ay sa bahay na ito ni Beatrice tumuloy dahil tuluyan na itong tinalikuran ng pamilya nito.Kaya sila na lamang ni Beatrice ang kumupkop sa kaibigan. "Walang problema..ay di dun ako iinum sa bahay mo."ani Margaux na kumuha ng isang boteng tequila."Let's go," Naiiling na sumunod na lamang si Roxie ngunit nagconvoy lamang ang magkaibigan dahil may dala rin naman kotse si Beatrice. Pagdating sa bahay ni Beatrice ay kaagad na sumalampak ito ng upo sa sopa saka binuksan ang tequila ngunit muling tumayo upang maghagilap ng lemon sa refrigeritor saka kumuha ng wine glass. "Seryoso ka?"namamanghang tanong ni Beatrice na sinulyapan ang relong pambisig. Pasado alas dos na ng madaling araw ngunit heto ang kaibigan niya na nambubulabog para lang uminom.What the heck!ano ba ang problema nito sa mundo dahil napasugod ito ng dis oras para lang uminom. "Ano ba sa tingin mo?" "Sa tingin ko nasapian ka ng masamang espiritu wala pa man lamang laman ng alak ang katawan mo."ani Roxie."Anong masamang hangin ba ang pumasok sa kukote mo at ganitong oras susugod ka para lang uminom." Sinimsim nito ang lemon matapos na uminom ng tequila. "Ang sakit eh!dito."anito na itinuro ang kaliwang dibdib. "Huh?"bulalas ni Beatrice."Bakit broken-hearted ka ba?"pagbibiro nito sapagkat alam naman nitong walang boyfriend si Margaux."ang mga broken-hearted lang ang umaastang ganyan." Tumingin ito ng seryoso kay Beatrice. "Paano kung sabihin kung'Oo'".pag-amin niya sa kaibigan. Kamuntik ng mahulog mula sa kaniyang kinauupuan si Beatrice ng marinig ang sagot ng kaibigan.Langhiya!yung binibiro lamang niya ito ay totoo na pala.Paano naman ito naging broken-hearted na wala naman itong boyfriend.TEka lang!katulad na rin ba ito ni Maris na naglilihim na rin. "Paki-explain nga ng mabuti,paano ka naging broken-hearted?may boyfriend ka ba na hindi namen alam?"nakaangat ang isang kilay na tanong ni Beatrice. "wala." "Oh panu ka naging broken-hearted?" "Bakit di ba pwedeng mabroken-hearted kahit walang boyfriend." "Okay,paano ka nga naging broken-hearted." Marahas na napabuntong-hininga si Margaux. "Yung lalakeng gusto ko may gustong iba." "Whoa"bulalas ni Beatrice."ang sakit nun huh!yung gusto mo may gustong iba." "Nang-aasar ka ba?kailangan pang ulitin." Natawa si Beatrice na parang hindi siniseryoso ang pagsisintimyento ng kaibigan. "Eh!bakit ba kasi ginugusto mo pa,eh!hindi ka naman pala gusto." "HIndi ko alam.."napailing si Margaux. Hindi talaga niya mapigilan yung damdamin niya para kay Hunter at huli na para pigilin pa niya iyun kasi tuluyan ng nakapasok sa kaaiyang puso ang binata.At hindi lang ito basta niya gusto kundi mahal na rin niya ito.Kaya siya nasasaktan ng ganito dahil ang sakit tanggapin na may iba na itong mahal at walang iba kundi ang kapatid pa niya. "Marga,kung sino man yang pinaag-aaksayahan mo ng oras,pwede ba ngayon pa lang burahin muna sa isip mo." "Hindi ko magagawa ang sinasabi mo." Napalatak si Beatrice.Parang ibang Margaux ata ang kaharap niya ngayon,Hindi ang klase ni Margaux ang magpapakamartir para lamang sa isang lalake dahil she knows Margaux.Sa dinami-dami ng lalakeng binasted nito at kahit isa sa mga manliligaw ng kaniyang kaibigan ay never itong nagpakita ng interes.And then now,malalaman niya naa problemado ito dahil lang sa lalake. "Sino ba yan?mukhang malakas ang tama sayo." "He is daddy's business partner." "Oh!So,nainlove ka in short term and then nalaman mo na may iba na palang tinatangi." "Yes at ang masakit dahil hindi pa lamang sila matagal na magkakilala." "Ouch!"anito. "Nakakainis ka."irap ni Margaux sa kaibigan,parang wala tong pakialam są kaniyang nararamdaman dahil nagagawa pa nitong asarin siya. "Eh!madali lang naman kasi dyan ang solusyon ay di kalimutan muna,burahin muna sa isip mo..Tutal hindi naman naging kayo?hindi ba?"pinagkadiininan pa nito ang huling sinabi. "Sige,ipamukha mo pa sa akin." "Eh!bakit kasi pinag-aaksyahan mo pa,malinaw naman may iba siyang gusto." "Mahal ko na sya eh!" "huh?"hindi makapaniwalang bulalas nito."from gusto to Mahal?ganun na kalalim ang nararamdaman mo sa lalakeng iyun?" "Yes! kaya nga masakit para sa akin na iba yung ginusto niya gayun sa simula pa lamang ng pagkikita namen ay ipinaramdam ko na sa kaniya that I like him." "Hmmm...nainlove na ang kaibigan ko kaso są maling tao pa." Binato ni Margaux ng isang hiwa ng lemon ang kaibigan dahil kanina pa ito na tila nang-aasar pa sa kaniya.Broken-hearted na nga siya eh!parang sasabog na nga ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman.Kaya nga niya ito pinuntahan para may mag-comfort sa kaniyang nararamdaman ngunit ang kinakalabasan ay inaasar pa siya nito. "Ito naman pinapagaan ko lang ang nararamdaman mo.."napalabing dika nito. "Hindi nakakatulong."ismid niya. "Teka,kilala mo ba kung sino ang babaeng sinisinta ng minamahal mo?" Tumango siya. "Mahal mo talaga?" "Yes..magkakaganito ba ako kung hindi ko sya mahal." "Ay di agawin mo."pabirong wika ni Beatrice. Naatigilan si Margaux sa sinabi ng kaibigan. Kaya ba niyang gawin iyun sa sariling kapatid?kaya ba niyang agawin sa kaniyang kapatid ang lalakeng parehas nilalaman ng kanilang puso.Parang napakahirap naman,mas okay pa siguro kung ibang tao pero kapatid nya yun eh!at saka parang hindi niya magagawa iyun. "hindi pwede." "Bakit?hindi ba kaya ng powers mo?" "Bea,si Ate Rebecca ang tinutukoy kung babae." "What?"namilog ang mga mata nito sa matinding pagkagulat."you..you mean si Ate Rebecca ang gu..gusto nung lalake?" "Yes..kaya ang sakit..sobrang sakit kasi ako yung unang nagparamdam sa kaniya tapos si Ate Rebecca na ilang months pa lamang silang magkakilala tapos malalaman ko na they are dating and 'sila na'." "Oh!saklap naman!pero don't be serious kung anuman yung sinabi ko sayo kanina because I'm just kidding." "Bakit sa tingin mo ba gagawin ko?" "Hindi."ani Beatrice."dahil hindi ikaw yung tipo na maghahabol at magpapakamartir..So,forget him."ani Beatrice. May butil ng luha na tumulo mula sa mga mata ni Margaux.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD