Pupungas-pungas na bumangon mula sa kaniyang kama si Margaux...hinawi niya ang sliding door sa kaniyang terasa..humihikab pa na lumabas siya upang salubungin ang kanina pa umusbong na sikat ng araw.....napasarap ang kaniyang tulog..palibhasa ilang araw na siyang wala talagang ayos na tulog dahil sa pagbabantay kay Maris..mabuti na lang at nadischarge na ito kahapon,at sa kanilang bahay-bakasyunan na muna niya ito pinatuloy ng sa ganun ay maalagaan nito ang sarili sa pamamagitan ng paglalakad araw-araw sa tabing dagat,kailangan nito tahimik at sariwang hangin..pinasamahan na muna niya ito kay Pacita kahit na mayroon naman Silang nangangalaga doon,mabuti na rin na may personal itong alalay. .
Parang nalagyan ng glue stick ang kaniyang bibig sa pagkakabuka ng sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay si Hunter kaagad nahagip ng kaniyang paningin na sakto namang napalingon sa dako ni Margaux..huling-huli nito ang paghikab ng dalaga.
"Ah"nahawakan niya ang kaniyang panga at itinikom ang nakabukang bibig...saka narealize kung ano ang kaniyang hitsura..nagmamadaling tumakbo siya sa loob at dumiretso sa harapan ng salamin..
Oh no!,ang haggard ng kaniyang mukha at magulong mga buhok.Gosh!nakakahiya kay Hunter ,nakita siya nito na dugyot ang hitsura wala man lang kaayos-ayos..Nagpapadyak saka pabagsak na dumapa ito sa kama..at para itong batang nagpagulong-gulong są kama.
Nakita siya nito sa pangit na hitsura...Ahhhh...kainis!bakit ba kasi super maaga ang pagpunta nito sa kanilang bahay..tuloy hindi na rin siya nakapagwork-out.
"Margaux..."
Napaangat ng ulo si Margaux mula sa pagkakasubsob sa kama ng marinig ang boses ni Manang Lydia...mula sa labas ng pinto..
"Bakit,Manang Lydia?"
"Pinapatawag ka ni Sir...."
Mabilis pa sa kidlat na bumangon ang dalaga..nagmamadaling tinungo ang banyo at naghilamos saka toothbrush...humarap sa salamin at nag-ayos ng kaniyang sarili .kailangan na maganda siya bago bumaba..Nandiyan kaya ang kaniyang prince charming kaya dapat maganda siya sa paningin nito.
"Hi,Papa."aniya ngunit kay Hunter nakatingin..
"Hija,."
"Pinapatawag mo raw ako?"malambing na tanong niya sa ama.
"Ah oo.. magmadali kang pumunta ngayon są opisina at kunin mo ang papeles na ipinahanda ko sa iyong Ate Rebecca.."
Napasimangot ng bahagya si Margaux..akala pa naman niya kung bakit siya pinatawag,uutusan lang pala siya.
"why me?hindi nalang si Manong Rudy ang utusan ninyo..."
"Mahalagang papeles ito at hindi pwede na ipagkatiwala sa iba hindi raw siya makakauwi para ihatid dito.."
"Ano pa nga ba magagawa ko.."napaingos na wika ni Margaux..
Nawala są isip nito na nandito pa rin ang bisita ng kaaiyang Papa...paano ba naman naaalala lang siya ng mga ito kapag may iuutos ..ang tamad-tamad kaya niyang pumunta sa kumpanya nila,kasi kapag nandoon siya,andaming ipinapagawa sa kaniya ng kapatid, at naoobliga na tuloy siya sa mga ipinapagawa nito,.sumasakit at nalulula talaga ang kaniyang ulo sa dami ng papeles na nakatambak sa mesa nito..Palagi na lamang na dinadahilan nito ay upang matuto na siya habang maaga pa,learn how to manage their company..Rh! He has no intention of taking over her sister's position.She doesn't want to work for a company, she wants to build her dream boutique...
"Sige na,hija...at kailangan ko yun ngayon.."saka nito muli nitong binalingan ang kausap,"Ano na nga ba ang pinag-uusapan natin,Hunter?"
Tanong nito kay Hunter na tahimik lamang na nakikinig sa mga-ama..
"Oh my!"natutop ni Margaux ang kaniyang bibig..oo nga pala!nandito ang kaniyang prince Charming,nakalimutan na tuloy niya ang presensya nito dahil napalitan ng inis yung kanina ay excitement na kaniyang naramdaman .. ..
Bumaling siya kay Hunter at buong tamis na nginitian ito sabay lahad ng kaniyang palad.
"Hi! kumusta."
Napakunot-noo naman si Hunter dahil tila walang naganap na incident between the of two of them dahil magiliw pa rin ito sa kaniya sa kabila ng naapagsalitaan niya ito ng hindi maganda.,bagkus ay inilahad pa nito ang palad.
Tila naman napahiya na itinago na lamang ni Margaux ang kamay sa bulsa ng kaniyang pants ng hindi ito pansinin ni Hunter..
Napakasuplado talaga ng lalaking ito at pangalawang beses na siyang inisnub nito hun! nakakadiri ba ang kaniyang kamay at hindi nito magawang mahawakan,ayaw man lamang siyang makadaupang palad nito..Nakakainis na huh!nakakadalawa na ito sa kaniya,upang makaganti sa ginagawa nitong pang i-snub sa kaniya ay nakaisip ng kapilyahan ang dalaga..mabilis na gumana ang utak nito at awtomatikong nagkunwari itong na-out of balance...at sinadya talagang mapaupo sa kandungan ni Hunter..
Nanlaki ang mga mata ni Hunter,lalo na ng mapagtantong nasa kandungan niya ang anak ni Don Facundo..nakaramdam ng kaunting hiya kay Don Facundo because of the woman's carelesness..
Halos magsalubong ang mga kilay ni Hunter dahil tila na-enjoy pa ng babaeng ito habang nakaupo sa kaniyang kandungan..habang ngiting-ngiti ito na tila may pang-aasar..
"Suplado ka kasi."aniya sabay kindat kay Hunter.
Lalong umarko ang magkabilang kilay ni Hunter sa tinuran ng dalaga at bigla nakaramdam ng pagkainis dito..So, this woman intentionally na ma-out of balance to sit on his lap para lang makaganti at him because he didn't accept her hand offer..
Gosh!this is a kid para gawin iyun?Sa tingin niya napaka-immature ng ganuon pag-iisip..
"Sinadya mo?"may din sa tono na bulong nito sa dalaga.
Nakangiting tumango si Margaux..na proud pa sa ginawa.
"You're going to get off my lap or I'm going to push you away."Hunter whispered to Don Facundo's daughter..
"Hmmmp."padabog na umalis sa pagkakaupo si Margaux sa kandungan ni Hunter..
"Ano ka ba naman,hija..di ka nag-iingat nakakahiya kay Hunter.."ani Don Facundo na walang kaalam-alam sa kapilyahang ginawa ng anak.
Nakasimangot na bumaling si Margaux sa kaniyang ama..
"Alis na ako,Pa.."
""Tell Rudy to drive slowly."
"I won't let Manong Rudy drive me...I'll use my car."
"No!I know you,para kang nakikipaglaban ng car racing kung magtakbo ng sasakyan."
"Papa...ganun din yun eh!di sana si Manon rudy na lang ang inutusan nya,kung pasasamahan nyo ako.. .. .. .".
"Hija ..".
"No...I'm leaving...I'll use my car."aniyang nakipagmatigasan sa ama.
"But.."
"No but,papa..Promise!I'll just drive slowly.Bye!"aniya na humalik sa ama.
Nailing na sinundan na lamang ni Don Facundo ang papalayong anak...Kasalanan niya kung bakit lumaking matigas ang ulo ni Margaux,at hindi na niya alam kung kaya pa niyang baguhin ang ganuon pag-uugali ng kaniyang anak.
"Pasensya kana talaga,Hijo.."nahihiyang hingi ng pahumanhin ni Don Facundo sa bisita.
Tumango lamang si Hunter.