Natigil sa kaniyang ginagawa si Hunter ng makita ang umuusok na kape na inilapag ni Mario...saka ito humila ng upuan..at paharap na naupo sa tapat ng kaibigan. "Lamanan mo kahit kape ang tiyan mo,alam kung wala ka pa kahit almusal." "Salamat..." "Alam mo mabuti na lang malakas ang resistensya mo..Aba!ay halos pati ang kumain ka ay nawawalan kana ng oras baka naman magkasakit ka niyan?" Naiiling na kinuha ni Hunter ang kape na inialok ng kaibigan saka hinigop iyun..Dahil kasi sa sobra niyang pagmamadali kanina ay nakalimutan na niyang mag-almusal hindi na niya napansin ang pagkain na inihanda ni Manang Sita.. At nakapagsumbong ito kaagad sa kaniyang ina na hindi siya nag-almusal..Dahil hindi pa man lang umiinit ang kaniyang puwetan ay nakatawag na ito at sinisita siya dahil hindi na ng

