Kabanata-7

1000 Words
"Kilala mo?" Napapitlag si Hunter..masyado pala naagaw ang kaniyang atensyon ng babae na nakaargumentuhan ang saleslady..paano ba naman kasi ang laki-laki ng space kung bakit naman nabunggo pa nito ang mga damit..imposible naman na hindi nito makita..baka may pagkatanga lang talaga ang babaeng nakabunggo,tama naman ang saleslady kung saan-saan ata nakatingin,dahil hindi naman ito mabubunggo kung tinitingnan nito ang dinadaanan,nakikita niya sa hitsura ng babae ang pagpipigil kanina ng inis sa saleslady kaya naaliw siya na pagmasdan ito dahil may anggulo na cute itong tingnan...Saka pakiramdam kasi niya ay nakita na niya ang babae..hindi lamang niya matandaan kung saan .but the girl was so look familiar,limot lang talaga siya kung saan niya ito nakita.. "Hey!"untag ulit ni Hanna."did you know that girl?" Umiling siya..parang familiar lang sa kaniya but hindi niya kilala.. "Hindi?"nagtatakang wika ni Hanna.."pero bakit ganun nalang ang tingin mo sa kaniya,at tsaka wala na yung girl kuya,pero nakatanga ka pa rin,is it interesting?" Pagkibit-balikat lamang ang tanging isinagot ni Hunter..kapag kasi pinatulan niya ang mga tanong ng kapatid ay lalo lamang hahaba ito at hindi siya nito titigilan..kaya mas mabuti na lang na huwag pansinin ang pagtatanong nito. "Mamili kana ng mga gusto mo diyan,huwag yung inuuna mo ang pagiging usyusera." "Well,ngayon ko lang kasi nakita na nagkainteres ka...dati-rati naman eh!kapag may ganyan eksena tayong naeencounter,dedma lang sayo at naiinis ka pa kapag nakikiusyuso ako...But ngayon,huminto ka pa talaga to make an audience." "I don't know her,okay!huwag kang makulit kung ayaw mong ikaw ang bumayad ng lahat ng pinamili mo."pananakot niya sa kapatid upang tigilan na siya. "Oo na!"anito kahit hindi kumbinsido sa kaniyang kuya.. Her Kuya Hunter is walang pake sa kaniyang paligid but ang babaeng iyun kanina ay umagaw ng pansin sa kaniyang kapatid para paglaanan pa ito ng time na panuorin sa pakikipagdebatehan sa saleslady or nangatwiran lang naman ito,dahil kung hindi nga naman sinadya..medyo may pagka-bias lang talaga ang saleslady kanina..kung siya nga ang nasa kinatatayuan ng babae baka kanina pa niya sinabunutan ang saleslady na itun eh!humingi na ng sorry hindi pa rin ito tumigil..Pero iyung babae ang ganda huh!..kaya siguro napahinto ang kaniyang kuya dahil nakakabighani naman talaga ang ganda nung babae..hmmm...pilyang napangiti si Hanna. "Oh Gosh!"halos hindi na sila magkandaugaga na magkapatid sa dami ng pinamili ni Hanna..pati siya idinamay pa nito at ginawang taga-bitbit..Hay naku talaga,Hanna..ang sipag mamili pero hindi naman sa kaniyang pera..napakautak talaga ng kaniyang kapatid..At isa din pala sa purpose nito kaya siya tinawagan at gusto nitong kasama ay upang gawin siyang taga bitbit.. "Nakakainis itong ginawa mo sa akin.."halos magsalubong ang magkabilang kilay ni Hunter.. Pinapawisan na ang kaniyang noo,hindi man lamang niya magawang punasan ito dahil sa dami ng bitbit niya sa magkabilang kamay. Napahagikhik naman si Hanna..alam niya ang kaniyang kuya ayaw na ayaw nito sa lahat ang ganitong sitwasyon pero kapag sa kaniya talaga hindi ito makatanggi kahit magmukha na itong bodyguard..Nakakatawa talaga ang hitsura nito habang bitbit ang mga pinamili nila.. "Hindi ka na makakaulit sa akin sa susunod.."ani Hunter na pinandilatan ng mga mata ang kapatid na tila pa nasisiyahan sa kaniyang hitsura. "Ito naman,bihira ka lang naman na magbitbit ng ganyan." "Tigilan mo ako,Hanna.." Tinatawag niya ito sa buong pangalan kapag hindi na siya natutuwa sa pinagggagawa ng kapatid subalit parang hindi man lang ito apektado.. "s**t!" Malakas na napamura si Hunter ng sumabog sa sahig ang kaniyang mga bitbit ng mabunggo siya ng isang babae..at lalong nagsalubong ang mga kilay nito ng makilala kung sino ang babaeng nakabunggo sa kaniya. "Ikaw?" Nagulat naman si Margaux..kilala siya nito..Oh my!tila may bahagi ng kaniyang puso ang nasiyahan..ibig ba sabihin nito pinagtuunan din siya nito ng pansin..kasi natatandaan siya nito. "Ki..kilala mo ako?"ubod ng tamis na ngumiti at may kilig na tanong pa ni Margaux sinabayan pa ng pagpapacute sa lalake .wala siyang pakialam kung may kasama mn itong ibang babae ang mahalaga napansin siya nito. Bumakas ang inis sa mukha ni Hunter dahil imbes na humingi agad ito ng sorry ay inuna pa ang pagpapacute nito.. "Oo..ikaw yung babaeng tatanga-tanga na nabunggo kanina yung mga damit,tapos ako na naman ngayon..bulag ka ba?"hindi maitago ang tinig ng pagkairita ni Hunter. Teka lang!the woman seemed familiar to him when he looked closely.It was her.. The daughter of Don Facundo. Natigilan naman si Margaux..nawala ang ngiti sa labi.."tatanga-tanga"tinawag siya nitong tatanga-tanga..aba mas malala pa pala ito sa saleslady na mukhang palaka eh!Napahiya talaga siya lalo na at hindi lang naman sila ang tao sa loob ng Mall. Namula ang magkabilang pisngi ni Margaux sa pagkapahiya..at bago pa pumatak ang luha ay tumakbo na ito papalayo. "Kuya,grabe ka naman,bakit mo naman siya tinawag na tatanga-tanga.."ani Hanna. May awang naramdaman sa babae nakita niya kung paano namula ang mukha nito sa matinding pagkapahiya,tawagin ba naman itong tatanga-tanga ng kaniyang Kuya Hunter..umiral naman kaagad ang pagkamainitin ng ulo nito,at hindi nalang pinalampas ang pagkakabunggo ng babae..kahit babae talaga hindi nakakaligtas sa kaniyang kuya kapag inis ito...napaka-ungentleman. "Nakita mo naman hindi ba?"turo nito sa mga pinamili nila na nagkalat sa sahig.."ikaw ang magpulot niyan." Tahimik na pinulot iyun isa-isa ni Hanna,at iniabot sa kapatid ng walang reklamo..mahirap na baka madamay siya sa babae at iwanan siya nito sa Mall..alam din niya kung kilan ito serysoso,kaya pinid ang bibig na sinunod na lamang niya ito..ngunit di rin naman nakatiis at tumulong din ito sa pagpulot ngunit panay ang mura nito at panay ang sisi sa babae. "Umiyak kaya yung babae?siguro..dahil tiyak na nasaktan yun sa sinabi mo "wika ni Hanna ng nasa loob na sila ng sasakyan. Natigilan din si Hunter lalo na ng makilala nina ang babaeng sinabihan niya ng hindi maganda.alam niyang hindi tama na pagsalitaan niya ito lalo na at may ibang tao na mga nakarinig..kaya lamang ay hindi niya napigilan ang sarili dahil sa inis kaya nakapagsalita siya ng hindi maganda..Ano na lang ang sasabihin ni Don Facundo kapag nalaman nito ang nangyari kung paano niya tinanga-tanga ang bunso nitong anak.. Oh s**t! siguro naman ay hindi magkukuwento ang babaeng iyun sa kaniyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD