KABANATA DALAWA

1000 Words
Sa isang paboritong Restaurant nila ni Maris ang tagpuan nilang magkaibigan,nagyaya kasi ito na mag-early dinner sila..Hindi naman siya nahirapan na makita kaagad ang kaibigan,agad na lumapit siya rito at naupo sa harapan nito. "Why are you took so long?Kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom,alam mo bang wala akong breakfast and lunch.."Bungad na tanong kaagad sa kaniya ni Maris, na as usual hawak naman nito ang paborito nitong mahiwagang salamin na hindi nito mabitiwbitiwan kalit saan pumunta, Panay na naman ang sulyap na siguro ay minuminuto na lamang ang tingin nito sa salamin na akala mo ay may mababago ba sa mukha nito in one minute. Hindi niya pinansin ang tanong nito,wala siya sa mood na ikuwento pa rito kung bakit siya natagalan,kaagad na kinuha ang menu list saka nagpili ng pagkain na gusto niya. "Sorry na, oh di bumawi ka,damihan mo ang order mong pagkain para sulit yung paghihintay mo.." "Ganun.."anitong umangat ang isang kilay. "Ano ba naisipan mo at niyaya mo ako today,hindi ka ba busy?" "May problema ako eh!pero bago natin yan pag-usapan pwede bang kumain muna tayo,gutom na talaga eko.." "Okay.." Ilang minuto pa bago dumating ang kanilang inorder na pagkain,talagang ayaw ng paawat ni Maris sa pagkain dahil kaagad na nilantakan na nito ang pagkain nasa harapan nila,,Mukhang gutom na gutom nga ito pero bakit iba naman ata ang pagcravings nito sa pagkain,tila ba sarap na sarap ito na ayaw papigil sa kinakain na dati naman kahit gutom ito ay hindi naman katulad ngayon na as in para itong patay-gutom.. "PWede ba magdahan-dahan ka nga dahil baka mamaya ay mabilaukan ka pa.."sita niya sa kaibigan. "Ang sarap eh!" "Para naman hindi mo pa natikman ang pagkain na yan at ngayon ka lang nasarapan.." "Eh!basta parang mas masarap ngayon,parang iba yunga taste ko mas malinamnam." Nailing na itinuon na lamang din niya ang pansin sa pagkain,dahil mukhang hindi papaistorbo ang kaniyang kaibigan sa pagkain nito..Nang dessert na ang kanilang kinakain ay saka niya ito naisipan tanungin. "Ano ba ang problema na sinasabi mo?" "HUh!"biglang natigil ito sa pagsubo...umiba kaagad ang hitsura ng mukha na tila ba tinatantiya pa ang kaharap kung dapat na ba niyang sabihin ang kaniyang problema. Kunsabagay wala naman Siyang ibang choice kundi ang ipagtapat kay Margaux ang kaniyang problema dahil İto lang naman ang maaari niyang pagsabihan at saka İto lang naman ang kaniyang kaibigan na maaari niyang pagkatiwalaan..kaya nga lamang ay hindi niya alam kung paano magsisimulang sabihin ang lahat sa kaibigan,dahil kahit papaano ay umuusbong din sa kaniyang didbdib ang hiya..nahihiya siya na baka kapag nalaman nito ang totoo,ay mabago ang pagtingin nito sa kaniya ,hindi niya alam kung ano ang una iisipin nito sa kaniya kapag isiniwalat niya dito ang kaniyang sikreto..Pero kilala niya ang kaibigan hindi naman siya nito kaagad huhusgahan,tao lang naman siya na pupuwedeng magkamali,pagkakamali na gusto niyang pagsisihan na nagawa niya sa kaniyang buhay. "Uy,natulala kana?tinatanong kita,ano ba ang problemang sinasabi mo?"tanong ulit ni Margaux sa kaniyang kaibigan na parang nahipan dahil natulala na ito sa kawalan. "Ah.."parang bigla ay nanuyo ang lalamunan ni Maris,inabot nito ang baso na may laman ng Juice saka sumipsip...parang wala siya ng lakas ng loob na sabihin kay Margaux ang lahat pero hindi rin naman niya maililihim sa kaibigan ang lahat dahil maaaring malaman din nito kalaunan..kaya mas mabut ng ngayon pa lang ay ipagtapat na niya. "Maris ,ano ba ang nangyayari sayo?gaano ba kabigat ang sinasabi muna problema dahil hindi mo masabi-sabi..nandito ako handang makinig,gaano man yan kabigat...I'm here.." Pumatak ang luta sa magkabilang pisngi ni Maris,mga luhang hindi na kayang pigilin at itago dahil kusa na iyung pumatak..parang may kung among bumukol sa kaniyang lalamunan,parang napakahirap sabihin...pero alam niyang tanging si Margaux lamang ang masasandalan niya sa oras na ito,ang kaibigan lamang niya ang inaasahan niyang makakaintindi sa kaniya na hindi siya basta huhusgahan. "I...I'm pre..pregnant.."halos hindi sumungaw sa bibig nito ang bintiwang salita. Mahina lamang ang pagkakabigkas ni maris ngunit malinaw na malinaw ang kaniyang pagkakarinig,at hindi siya maaaring magkamali sa kaniyang narinig..Maris is pregnant..at nakakagulat talaga ang balitang iyun sa kaniya ng kaibigan,hindi niya lubos maisip kung paano nangyari,kung bakit hinayaan nitong mabuntis gayung alam naman nito na iyun ay magdudulot talaga ng isang malaking problema..hindi niya alam kung paano magrereact..pati utak niya ay tumigil rin at biglang hindi gumana..parang ang hirap paniwalaan ang sinasabi nito pero alam niyang hindi ito magsisinungaling sa canina at hindi iyun prank lang dahil seryosong sapan talaga ang bagar na ito na hindi maaaring daanin sa biro..and she knows Maris kung kailan ito nagsasabi ng toto o nagbibiro,at alam niyang sa pagkakataong ito ay seryoso ito..pakiramdam niya ay biglang bumalik yung mga kinain niya at hindi siya natunawan.. Inabot ang tubig at nilagok iyun ng isahan..parang bigla ay bumigat rin ang kaniyang pakiramdam at dinala ang bigat na dinadala ni Maris sa dibdib nito.Kaya naman pala iba ang pagcraving nito sa pagkain dahil buntis pala ito.. "Ayaw na kitang kuwestyunin tungkol dyan,basta kung anuman ang magiging desisyon mo,nandito lang ako nakasuporta at nakaalalay sayo.."Aniya..yun lang ang mga katagang lumabas pa sa bibig niya..Ayaw niyang tanungin pa at usisain ito kung bakit at paano,dahil matanda na ito..alam na nito ang mga bagay na tama at mali.. "HIndi ko alam ang gagawin ko..nalilito ako,litong-lito kung ano ang dapat kung gawin..."ani Maris na gumagaralgal ang tinig.. "Ikaw lang ang makakaresolba ng problema mo,ikaw ang magdedesisyon kung ano ang mga hakbang na gagawin mo para sa ikabubuti mo at ng ipinagbubuntis mo..in my opinion kailangan na ipaalam mo ito sa parents mo." Napailing si Maris.. "Baka hindi lang galit ang abutin ko sa kanila,baka itakwil pa nila ako." "Magalit man sila ang mahalaga naipaalam mo sa kanila ang sitwasyon mo..kailangan mo harapin ang anuman magiging consequences nito..ang kailangan mo ay maging matapang hindi lang para sa sarili mo kundi para na rin sa battant nasa sinapupunan mo." "Nandiyan ka naman di ba,hindi mo ako pababayaan." "Oo naman,palagi akong nasa tabi mo,anuman ang mangyari nandito ako para sayo." "Salamat."napaluhang wika ni Maris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD