Evangeline Tolentino We entered inside the room. It was huge and I think this where Franco accommodate his patient. Binitawan na niya ako nang makapasok kami sa loob. Lumapit ako sa lamesa niya at hinawakan ang nameplate niya roon. ‘Francisco Alvarena Turalde, ophthalmologist’ Napanguso ako at hindi maiwasan na mapangiti. “You’re the most veteran ophthalmologist.” Napabaling sa akin si Franco sa sinabi ko at saglit tumigil sa pag-aayos ng kanyang gamit. “Hindi yan totoo. Saan mo nakuha yan?” “Ikaw ang isa sa pinakamagaling na Doctor. Hindi ka lang kilala, magaling ka. That is what I heard from other people,” I murmured and sat on the chair in front of the table. “Let us start, Eva,” pormal niyang usal at nagsimula na sa pagtingin sa aking mga mata. Kabado man ay hindi ko maiwasan n

