Franco I PRESS THE doorbell, tahimik lamang si Eva sa tabi ko simula nang pumasok kami sa loob ng sasakyan hanggang dito. “Nasaan tayo?” takang tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Hinawakan ko lamang siya sa kamay at pumasok sa loob ng bahay. “Franco Tural—“ ang pagsalubong ni Alejandro ay naputol, ganun din kabilis ang pagkawala ng ngiti sa labi nito nang makita ang kasama ko. “You’re with your patient.” Tinaasan niya ako ng isang kilay at bumaba ang mga mata sa kamay naming dalawa na magkahawak. Nakita ko ang pag-iling niya. He rested his both hands on his waist. Napahinga siya ng malalim at nilahad ang upuan sa tabi ko. “Nagkita tayo muli, Miss Evangeline Tolentino.” Pormal na pahayag nito. I let Eva sat on the sofa, I remained standing just like Alejandro. He is out of wor

