Evangeline PAGKAGISING ko ay agad akong naligo at nag-ayos. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto upang makapag-agahan na. Nang makaupo ako sa silya ay narinig ko ang tahimik na paglapag ni mama ng tasa sa ibabaw ng lamesa. “Nariyan na ang sundo mo.” “Andiyan na si Manong Oscar? Ang aga naman,” komento ko at kinuha ang sling bag sa upuan. “Kumain ka muna, Eva.” Napahinto ako sa seryosong boses ni mama. “Kung maaga pa naman, bakit ka nagmamadali. Umupo ka at kumain. Maghihintay yung driver sayo.” Tinanggal ko ang bag at nilagay sa ibabaw ng lamesa. Inusog ko ang upuan at umupo tsaka nagsimula nang kumain. Tahimik si mama at may pakiramdam ako na pinapanuod niya ang bawat galaw ko. “Napapadalas ang pag-uwe mo ng gabi.” Natigilan ako sa pagsubo at nahihirapan na napalunok. “Marami

