Evangeline Tolentino NAGLALAKAD KAMI ni Franco papunta sa cruise na sinasabi nito upang panuorin ang paglubog ng araw. I was wearing a plain white dress while he is wearing a formal polo and maong short. Napangiti ako nang makita ang malaking cruise. “Tayo lang ang sasakay diyan?” manghang tanong ko sa kanya. “Kung gusto mong isama si Mr. Gomez, pwedi rin naman.” Sinapak ko ang braso nito kaya natawa sa sariling sinabi at sa naging reaksyon ko. “Ang corny mo,” komento ko. Napailing na lang siya at umakyat na kami sa cruise. Inalalayan naman niya ako hanggang sa mapunta kami sa unahan. “Is that a room inside?” akmang papasok na sana ako ngunit may humarang na staff. “Mga pagkain po ang nandiyan, Miss Luna. Yung dinner date niyo ho ni Doctor Turalde,” the staff said so I nodded my h

