Evangeline NANG BUMAGSAK ako sa tubig ay agad kong naramdaman ang kamay ni Franco sa baywang ko. He tried to reach for my hands. May mga tao na nasa likod namin at nakaalalay, kabado pa rin lalo na at mas pumupunta pa kami sa ilalim na parte ng dagat. I closed my eyes firmly and tried to calm myself. Nang muli kong buksan ang mga mata ko ay nakatitig na si Franco ang una kong nakita. Marahan niyang hinaplos ang palad ko at may tinuro sa baba. Lito man ay sinunod ko ang nais nito. Doon ko lang nakita ang corals at mga isda. Dahilan para agad akong mamangha. I almost drop my camera but Franco automatically took it. Sinulyapan ko siya at kumukuha na siya ng litrato. Ilang saglit akong nakatitig sa ganda ng ilalim ng dagat bago niya binalik sa akin ang camera ko. I took pictures as much I

