Chapter 9

1351 Words
Matapos naming mag-usap ni Cristel, umalis na kami don at sabay na kaming pumunta sa cafeteria. Parang wala lang nangyari sa amin nong lumabas kami sa room. Naiintindihan ko naman kasi siya kung bakit niya yun ginawa no. Ayaw niyang masakal sa isang relasyon na pinipilit siyang kontrolin! Nakita ko na makakasalubong namin si Ivan. Kaya agad kong inakbayan si Cristel. " Ang bilis ha. " sabi niya. " Ito naman ang gusto mo diba? " inis kung tanong sa kanya. Ngumiti lang ito saka tumingin ulit sa harapan. Parang gusto akong kain ng buhay ni Ivan habang nakatingin sa akin ng masama. Natatawa ako na makitang hindi maipinta yung mukha niya. Nang malayo na siya sa amin, inalis ko naman yung pagkakaakbay ko kay Cristel. " Papagalitan ako ni Mama pag nalaman niya tong ginagawa natin. " sabi ko kay Cristel. " Hindi niya naman malalaman e. " sabi nito. Bakit koba pinatulan ang kalukuhan ng babaeng to. Bakit kasi sinagot niya pa si Ivan, edi sana wala sanang ganitong mangyayari. Pagkadating namin sa canteen, agad naman kaming umoder ng kakainin namin saka umupo sa table nila Leah. Nauna na kasi silang pumunta dito. " O, bakit parang nakabusangot yang mukha ni Jead. " sabi ni Cristel ng mapansin si Jead. Inilapag ko muna yung binili naming merienda saka umupo katabi ni Leah. Kaya magkaharap kami ni Jead. Magkatabi din sila ni Cristel ng upo. " Hindi pa yata naka move on sa nangyari kahapon. " natatawang sabi ni Leah. Napatawa naman ako ng maalala yun. Sinamaan naman kami ng tingin ni Jead. " Ha, ano ba ang nangyari kahapon? " nagtatakang tanong ni Cristel sa amin. " Kung sumama ka lang sa amin kahapon, Cristel. Matatawa ka rin siguro. " natatawang sabi parin ni Leah. " Kung sabihin niyo kaya sa akin para malaman ko? Hindi yung tawa lang kayo ng tawa. " masungit nitong sabi. Yung mukha ni Jead, parang nagmamakaawa sa amin na huwag sabihin yung totoo kay Cristel. As if naman na mapipigilan niya si Leah. E ang bunganga nito hindi mapipigilan. Nagsenyas naman si Leah kay Cristel na lumapit sa kanya. Sumunod naman si Cristel saka bumulong sa kanya si Leah. Matapos ang bulongan, ito ang naging resulta. " Hahahahahahahaha..... " parang mamatay na nga si Cristel sa kakatawa at ganun na rin si Leah. Ako ito pangit-ngiti lang, ang sakit kaya sa tyan pag nasubrahan ka sa kakatawa. " Ang lupit mo Jead! May tinatago ka pala? " natatawang sabi ni Cristel sabay pa hampas sa likod ni Jead. Napangiwi naman si Jead sa hampas nito. Ang lakas kaya humampas ni Cristel " Kapag hindi kayo tumigil tumawa dyan. Araw-araw ko kayong padadalhan ng manika at daga! " seryusong sabi ni Jead. Natahimik naman ang dalawa sa sinabi niya. Kita ko rin yung pamumutla ng mukha nilang pareho. " N-nagbibiro ka lang diba? " nauutal na tanong ni Cristel sa kanya. Tiningnan lang sila ni Jead na para bang sinasabing mukhan na akong nagbibiro? Napalunok naman yung dalawa. Takot kasi ang dalawa yan. Si Leah na takot sa manika. Natruama na kasi siya noon. Tinakot siya ng kuya niya nong manika na sobrang pangit at gabi pa yun. Nakwento kasi sa amin ni Leah nong ginawa ng kuya niya sa kanya. Natutulog daw siya non, tapos nagulat nalang siya dahil pagkagising niya ng hating gabi dahil naiihi daw siya. Bigla nalang siyang sumigaw ng may katabi siyang manika na sobrang panget, may hiwang kutsilyo yung mukha at meron pang dugo na hindi naman totoo. Yung tarantado niya namang kuya tawa lang ng tawa habang siya ay umiiyak. Ang kaso naman ni Cristel takot daw siya sa daga dahil nandidiri daw siya dito. Isa pa nakita niya daw yung kalaro niya na kinagat ng daga. Ayun namatay dahil sa lason. Talagang nakakatakot naman talaga ang daga no. Titingnan mo palang nandidiri kana. " H-huwag ka namang ganyan, Jead. " takot na sabi ni Leah. " Ikaw kasi tawa ng tawa. As if naman wala kayong kinakatakutan? " sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin tatlo. Napataas naman ang kilay ko dahil sa tingin nila. " Bakit ikaw ba wala? " sabay nilang sabi. " Meron nga ba? " sabi ko saka tumayo. Tinapon ko na yung kalat ko saka lumabas sa canteen. Pupunta ako ngayon sa gym, para magpractise na naman. Hindi ko alam kung susunod yung tatlo. Dahil mukhang wala yatang balak na mag practice ang mga yun. Pero sa totoo lang wala kaming practice ngayon dahil araw ng pahinga namin. Hindi naman kasi pwedeng araw-araw kanalang mag-eensayo diba? Kailangan mo rin naman magpahinga. Ang may trabaho nga may day-off, kami pa kaya na nagpapractise lang? Isa pa kung araw-araw kaming mag-eensayo Sasakit ang katawan namin. Edi talo kami sa laban namin sa mga Bears. Masakit na nga yung katawan mo, lagod ka na nga sa ensayo? Talo pa kayo! Parang wala lang din yung pinaghirapan niyo para sa laban. May kasabihan nga, relax-relax din pag may time. Hindi naman ako magpapractise ngayon . Magpapawis lang ako, parang ganun? Malamig kasi ang panahon ngayon at palaging umuulan. Kaya kailangan kung magpainit. Pagdating ko sa gym, pumunta ako sa may lagayan ng mga bola at kumuha ng isa don. At saka pumunta sa may court. Dribble at pagshot lang ang ginagawa ko. Pabalik-balik lang nga ako, ganun " Para kang tangang naglalarong mag-isa dyan. " Napatigil naman ako sa pagdribble ng bola at napatingin sa taong nagsalita. " Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya. " Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito? " balik niyang tanong sa akin. " May sinabi ba ako? " tanong ko naman sa kanya. Pansin ko lang, para kaming tanga na kapag tinanong isa pang tanong. Tatanungin ka din ng isa pang tanong? Tanungan kami sa isat-isa, hindi namin sinasagot. " Makapagsabi ka ng tanga? Parang ikaw hindi. " inis kung sabi dito sabay talikod. Hindi ko naman siya narinig pang kumibo. Ano ba kasi ang pakialam niya kung mag-isa akong naglalaro dito? Hindi niya ba alam na self practice lang ang ginagawa ko. " Oh! Bakit nandito ka pa. " inis kung tanong sa kanya. Hindi pa kasi siya umaalis sa pwesto niya kanina. At mukhang kanina pa yata nakatingin sa akin. " Ano bang nakita sayo ni Cristel at pinatulan ka niya? " seryusong tanong niya sa akin. Napatagil naman ako sa pagshot. Dahil sa sinabi niya. " Wow ha! Pinatulan agad? Hindi ba pwedeng binoyfriend lang muna? " sarcastic kung sabi sa kanya. Makapagsabi kasi ng pinatulan? Parang no choice na si Cristel na ako nalang ang ginawa niyang boyfriend ha! Well! No choice naman talaga si Cristel. Pero hindi niya ako pinatulan no. Dahil hindi naman ito totoo na boyfriend niya ako? PAGPAPANGGAP lang ang tawag sa ginagawa namin. " Alam mo kaya ayaw na sayo ni Cristel, dahil ang sama-sama ng ugali mo. Mabuti pa ako MABAIT! Kaya ako yung MAHAL ni Cristel at HINDI ikaw! " pang-asar na sabi ko sa kanya. Napansin ko kung paano nandilim ang mukha niya. Madali namang magalit ang isang to. Yun palang ang sinabi ko e. Isa siguro sa dahilan kung bakit hiniwalayan siya ni Cristel dahil madali lang mainit ang ulo niya? " Ano! Pikon ka na niyan? " pang-aasar ko pa sa kanya. " You thank of me dahil hindi ako pumatol sa babaeng-Ops! Hindi ka pala babae LESBIAN ka pala. " nakangising sabi niya sa akin. Bwesit na lalakeng to! Naturingan ngang Prinsipe ng bayan. Ang sama-sama naman ng ugali niya. Ang sarap niya talagang tapak-tapakan at inunud sa may putik. Bwesit! " You know what? You thank of me dahil hindi DIN ako pumapatol sa hindi ko KALEVEL! Lalong-lalo na sa MUKHANG BAKLANG katulad mo! " inis kung sigaw sa kanya. Tumalikod na ako bago pa ako mapikon sa kanya at tuluyang gawin yung pinaplano ko. Bakit ba ako ang naasar sa lalakeng yun? Diba dapat siya ang maasar at magalit sa akin dahil inagaw ko sa kanya si Cristel? Nakakainis at nabwebwesit talaga ako sa Prinsipeng yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD