Chapter 12

1320 Words
* Ivan POV * Kakauwi ko lang ng bahay matapos kung sundan si Max sa paghahatid kay Cristel. Sinundan ko lang naman sila, dahil gusto kung makasigurado na okay lang si Cristel at maihatid niya ito ng maayos. Hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya kanina na itatanan niya ito. Imposible naman kasing mangyari yun, dahil wala sa mukha niya na gagawin niya yung pagtatanan kay Cristel. Pero hindi ibig sabihin non na nagtitiwala parin ako sa kanya. " Good evening Prince Ivan. " bati sa akin ng isang katulong. " Sina Mama? " tanong ko sa kanya. " Nasa may living room po. Hinihintay kayo. " sabi niya. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. 12:00 na ng umaga pero gising parin sila? Sa pagkakatanda ko 9:00 ng gabi tulog na sila. At bakit naman nila ako hinihintay. Pumunta nalang ako sa may living room. Kaysa tanungin ko ang sarali ko, na wala naman akong makuhang sagot. " Dumating ka rin. " sabi ni Papa ng makita akong papasok sa living room. Humalik ako sa pisngi ni Mama at umupo sa kanilang harapan. " May sasabihin ba kayo kaya niyo ako hinintay? " tanong ko sa kanila. Sabay naman silang tumangong dalawa. " Napag-usapan namin ng Papa mo yung tungkol sa kasal. " sabi ni Mommy. Hindi ako kumibo dahil matagal ko ng alam ang bagay na yun. Hindi ko alam kung bakit kailangan kung ikasal kahit na hindi pa ako handa! Dahil ba sa walang prinsesa ang palasyo kaya nila ako ipakasal? O dahil bang gusto na nila akong maikasal dahil yun ang gusto ni Lola bago siya namatay? " At nakita na namin yung taong dapat mong pakasalan. " agad akong napatingin sa sinabi ni Papa. " What?! Hindi ba pwedeng ako ang pumili sa babaeng papakasalan ko? At alam niyo kung sino yun Mom, Dad! " inis kung sabi. Alam nila kung sino yung taong gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. At yun si Cristel. Wala ng iba! Bata palang ako kasama ko na si Cristel at siya lang ang kaisa-isahang babaeng naging kaibigan ko. Kaya hindi malabong nagkagusto ako sa kanyan at minahal siya. Sinasabi ng iba na masungit at mataray si Cristel. Pero hindi nila alam na mabait na tao si Cristel, lagi siyang nandyan para tulongan at pasiyahin ako. Lagi siyang nasa tabi ko sa oras na kailangan ko siya. Pero bakit parang wala lang sa kanila ang nararamdaman ko? " Hindi pwede, Ivan. Bata palang kayo naka arrange marriage na kayo. Kaya sa ayaw o sa gusto mo. Kayong dalawa ang ikakasal. " sabi ni Daddy sabay alis sa living room. " Pero Dad- " Susundan ko sana si Daddy ng pigilan ako ni Mommy. " Sundin mo nalang ang Daddy mo, Ivan. Para rin naman ito sa ikakabuti mo. " sabi ni Mommy. Umalis na rin siya at sinundan si Daddy. Inis akong pumunta sa kwarto ko. Ganyan naman sila e. Simula pagkabata ko sila palagi ang masusunod. Lahat ng gagawin ko, dapat alam nila! Simula pagkabata ko, sinusunod ko na ang gusto nila. Kung ano ba ang dapat kung gawin. Ano ba ang tama o mali? Akala ko ginagawa lang nila yun dahil bata pa ako non at walang masyadong alam sa nangyayari sa paligid. Maging makipag-laro nga sa mga bata, ayaw nila. Nasa palasyo lang ako palagi, kasama ang mga maid, butler at mga bodyguard ko. Kahit na makipag-laro ako sa mga kaibigan at pinsan ko limitado! Kaya nong lumaki na ako at nagkaisip ganun parin ang ginagawa nila. At buti nalang hindi sila tumutol sa pagsali ko sa basketball. Pinabayaan lang nila ako sa gusto kung gawin. Pero parang kinokontrol naman nila ang buhay ko, parang sila ang may hawak nito? Nong time na naging kami ni Cristel. Hindi rin nagtagal ang relasyon namin, dahil din sa kanila. Okay naman sa kanila si Cristel, pero parang kinokontrol din nila ito! Tinuturuan nila itong paano kumilos ng tama para sa isang babae. Kung ano ang dapat lang gawin ng isang babae. Okay naman sana yun kay Cristel e. Pero isang araw nagulat nalang ako ng makipaghiwalay sa akin si Cristel. Dahil gusto daw ng mga magulang ko na umalis daw siya sa pagiging basketball player, na siyang GUSTONG-GUSTO niya. Ayaw niya yung kinokontrol niya yung buhay niya. At kahit naman ako magagalit don, dahil yun din ang ginagawa ng mga magulang ko sa akin. Kahit sa mapapangasawa ko sila din ang mamimili. Kaya lagi kung kinakausap si Cristel para magkabalikan kami at siya yung babaeng gusto kung PAKASALAN! Pero huli na pala ako dahil may boyfriend na siya at yung MAX pa yun. Pero hindi parin ako susuko kay Cristel dahil balang araw, makukuha ko rin siya sa TOMBOY na yun. * Max POV * Hindi ako pumasok sa klase namin ngayong araw na to. Alam ko namang kaunti lang ang papasok ngayon dahil sa nangyaring kasiyahan kagabi. Lalo na yung mga basketball players at yung tatlo kung kaibigan, e sa lasing ang mga yun. Kaya nandito lang ako sa bahay buong hapon. Wala nga akong ginagawa dito kundi ang munuod ng TV, kakain, tugtog ng gitara at matutulog. Super boring nga dito dahil ako lang mag-isa dito sa bahay. Sina Kuya at Papa nasa trabaho. Si Mama naman, nandon rin sa company tinulongan si Papa. Kaya super boring talaga dito. Sana pumasok nalang ako. Pero ano naman ang gagawin ko sa school, wala naman. Baka pawuin lang din ako ng mga guro. Dahil kakatapos lang ng game namin at kailangan magpahinga kami. For sure exempted naman kami sa assignment at mga quizzes ngayon. Anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan ko na nakalagay sa bed side table ko. Nandito kasi ako sa kama. Nagstring ng gitara. Sinubukan ko kasing yung binili ko nong isang araw kung maayos. Mag-1:00 o'clock na pala ng hapon? Hindi ko napansin ang oras at hindi man lang ako nakakain ng tanghalian. Hindi din naman ako gutom. Gising na siguro tong si Cristel? Kinuha ko yung phone na nasa tabi ko lang saka denial ang number niya. Nakakatatlong ring palang nasagot na siya. " Hello Max! " mukhang bagong gising palang ang isang to. Medyo matamlay pa kasi yung boses niya. " Kamusta na ang pakiramdam mo. Sumakit ba ang ulo mo? " tanong ko sa kanya. " Oo e. Pero kunti nalang ang sakit. Mawawala din ito maya-maya. Thank you pala sa paghatid sa akin kagabi ha. " sabi niya sa kabilang linya. " Wala yun, girlfriend naman kita kaya dapat lang kita ihatid. " biro ko sa kanya. Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. " Loka-loka ka talaga. " natatawa niyang sabi sa akin. " Parang ikaw hindi? " ganti ko sa kanya. Tumawa lang siya. Ang ganda siguro ng gising ng isang to. Kanina pa ako pinagtatawanan e. " Nga pala Max, may sasabihin ako sayo. " bigla siyang nagseryuso. " Ano yun? " tanong ko sa kanya. " E, kasi nagtext sa akin si Ivan kanina. Pupunta daw siya dito para kausapin ako. " sabi niya. " Tungkol saan naman? " " Tungkol sa aming dalawa. Mukhang disedido na yata siyang makipagbalikan sa akin? " " Ang tanong, makikipagbalikan ka ba sa kanya? " seryusong tanong ko sa kanya. " Syempre hindi! " bilis naman nitong sumagot. " So, anong gusto mong gawin ko? " " Pipigilan siya syempre. Kunwari hindi mo ako ibibigay sa kanya. Parang ganun? " alinlangan niyang sagot. " Okay! Pupunta ako dyan sa inyo. " sabi ko sa kanya. Matapos naming mag-usap dalawa binaba ko na yung phone ko. At saka pumunta sa may banyo at naligo. Ayaw talagang tigilan ng lalakeng yun si Cristel no? Hindi ba siya nakakaintindi, kapag ayaw na ng isang tao sayo. Huwag mo ng pilitin pa ang sarili mo na mahalin ka niya ulit. Bakit ba kasi pinipilit ang isang bagay na ayaw namang bumalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD