* Ivan POV * Nandito kami ngayon sa labas ng room kung saan na confined si Max. Hinihintay namin na lumabas yung doctor para malaman namin kung anong nangyari sa kanya. Kung bakit siya nahimatay kanina. Sana naman okay lang siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa asawa ko. Okay naman siya ha. Malusog naman siya, nakakain naman siya sa tamang oras. Kaya bakit siya nahimatay kanina. Sana naman wala siyang sakit. " Relax! Pre, magiging okay din si Max. " pangngungumbinsi sa akin ni Mark. " Sana nga. " nag-alala kung sabi. Napatingin kami ng bumukas yung pinto. Agad akong umayos ng lumabas yung doctor na nagtingin kay Max. Lumapit ako sa kanya saka nagtanong. " Kamusta Doc. Okay lang ba ang asawa ko? May nangyari ba sa kanya kaya siya nahimatay? May sa

