* Ivan POV * Ng nalaman ko na magkapatid pala si Max at Mark. Parang nakuha lahat ng tinik sa dibdib ko. Parang gumaan bigla ang pakiramdam ko dahil sa mga nalaman ko. Wala palang patutunguhan ang pagseselos ko sa kanila. Dahil wala naman talagang namamagitan sa kanila. E, pano ba naman kasi, hindi ako magselos noon sa kanila? Para silang mayrelasyon sa isat-isa dahil sa sobrang close nila. Hindi din naman namin alam na magkapatid sila, dahil kung magturingan sila sa harapan namin parang magkaibigan lang ang turing nilang dalawa. At isa pa, hindi naman tinatawag ni Max na Kuya si Mark, kapag nandito sila sa school. Sinadya ba talaga nila na magpanggap na hindi sila magkilala? O, talagang hindi lang namin inalam yung apelyido ni Mark, kaya hindi namin nalaman na magkapatud sila? K

