Late na akong pumasok sa school. Ang sarap kasi ng tulog ko, at ang ganda pa ng panaginip ko. Nanalo daw kami sa Finals ng laro namin, at natalo namin yung Lion. Sana nga magkakatao yung panaginip ko, para mas masaya at maipamukha namin sa Lions na hindi lang sila ang magaling. Meron ding mas magaling pa sa kanila. Pagpasok ko sa school. Nagtaka ako dahil lahat sila sa akin nakatingin. Bakit anong meron? May dumi ba ako sa mukha? May nagawa na naman ba akong kasalanan? Hindi kasi nila maalis-alis yung mga tingin nila sa akin. Napatingin naman ako sa likuran ko. Wala naman akong kasamang mga bodyguard tulad kahapon. Pero bakit sila nakatingin sa akin lahat? Mabuti naman tinupad nila yung kasunduan namin na hindi ako papasundan sa mga bodyguard nila. Kundi, walang kasalang magaganap.

