Chapter 3

1408 Words
Sabado ngayon at syempre wala kaming pasok. Maaga akong nagising dahil magjojogging ako at mag-eexercise sa plaza. Nagpapabuti kasi ang exercise sa katawan ko. At isa pa paghahanda din ito para sa darating namin na susunod na laban. Malapit na ako ng mapatingin ako sa loob ng court. Napansin ko kasi na parang may nangyayari don. " Araay! " daing ko. Ang sakit kasi ng pwet ko. Hindi ko alam na may nakabanggan na pala ako. " Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. " masungit nitong sabi. Ang sungit naman nito? Hindi ba pwedeng hindi lang sinasadya. Hindi man lang ako tinulungan tumayo. Tumayo na ako at pinagpagan ang pwet ko. At tiningnan ko kung sino ang nabangga ko. Nagulat ako na si Ivan Dave Smith pala ang nabangga ko. Ang walang modo at mayabang na lalake na kahit isang tingin mo palang ay talagang masungit na. " Titingnan mo lang ba ako? Hindi kaman lang hihingi ng sorry. Tutula na yang laway mo o. " Ang kapal talaga ng lalakeng to. As if naman na maniniwala ako sa kanya. Imposibleng tutulo ang laway ko sa kakatingin sa kanya. Kung si Jungkook ang nasa harapan ko pwede pa. Pero sa kanya? hindi talaga mangyayari yun. " Sorry ha! " sarcastic na sabi ko sa kanya. " Ikaw pa ang ganang magalit ngayon. Hindi mo ba kilala kung sino ang kaharap mo ha! " inis niyang sabi. " Mukha ba akong galit? Nagsosorry na nga ako sayo, tapos sabihing mong galit ako? At sinong nagsabi na hindi kita kilala. Diba ikaw yung softdrinks na lagi kung iniinom. Ano bang tawag don? " tanong ko sa kanya. Napansin ko na parang naguguluhan siya sa sinabi ko. Maging yung bodyguard na kasama niya. " Aaahh! Alam ko na. Royal! Galing ka sa Royal Family diba? " " Alam mo naman pala bakit kung- " Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Nakakairita yung boses niya... " Magkano ba ang benta ng Royal sa inyo. Mura ba? Kung mura, sabihin mo sa akin at ng makabili ako ng marami " sabi ko sa kanya. " W-what? " naguguluhan niyang tanong sa akin. Bobo na nga bingi pa! Klarong-klaro na yung sinabi ko hindi niya pa nagets? Napatingin ako sa bodyguard niya na nagpipigil ng tawa. Meron ba talagang nakakatuwa sa sinabi ko. Bakit lagi silang tumatawa pag sinasabi ko yun? Tama naman ako diba? Softdrinks naman talaga ang Royal. Ewan ko nga kung bakit nilagyan pa nila ng Family. Nagpapauso siguro. " Makaalis na nga. " sabi ko saka umalis sa harapan niya. Nakakapagod kayang ulitin yung sinabi ko. Mahaba kaya yun. Pumasok ako sa loob ng Tennis court at pinuntahan yung kaguluhan sa gitna. " Hoy! Hoy! Anong ginagawa niyo sa mga bata. Alam niyo bang bawal yang ginagawa niyo. Kakasuhan ko kayo ng child abuse! " matapang na sabi ko sa kanila. Kanina ko pa kasi nakikita na pinagtutulak nila yung mga batang naglalaro ng tennis. Wala na ngang kalaban-laban sa kanila ang mga bata. Pinaglalaruan pa nila ito. " Sino ka ba ha? Umalis kana dito! Wala kang pakialam kung ano ang ginagawa namin sa kanila. " maangas na sabi niya. Lumapit ako sa kanila at pumunta sa gitna nila. Kaya nasa likod ko ang mga bata at sila ay nasa harapan ko. * Ivan Pov * Sinundan ko ng tingin yung babaeng nakabangga ko. Napansin kung pumasok siya sa loob ng court at lumapit pa sa mga lalakeng inaaway yata ang mga bata. Rinig ko yung usapan nila, dahil sa lakas ng boses nilang pareho. " Ako? Hindi mo ba ako kilala ha! Ako lang naman ang coach ng mga batang inaaway niyo. " matapang nitong sabi. Napailing nalang ako sa pinag-aasta niya. Mukhang mapapaaway siya. Lagi ko siyang nababalitaan sa school. Nakikita ko din siya kapag may practise ang basketball team dahil isa siya sa mga Eagles na naglalaro ng Basketball. Ang balita ko team captain daw siya ng Eagles Girls dahil sa galing nito. Isa pa lagi daw itong napapasabak sa gulo dahil kung umasta parang lalake? Hindi ko makikita sa kanya na Team Captain siya ng Eagles dahil sa mga kilos nito. Hindi pa ako umaalis dahil gusto ko pang makita ang mangyayari. Para kasing magpapasabak sa gulo ang babaeng to. " Nagmamayabang kaba ha! Anong pakialam namin kung coach ka ng mga batang to. May magagawa kaba? " maangas na sabi nong lalake. Pinaalis niya yung mga bata at siya naman pinalibutan ng tatlong lalake. Parang wala siyang pakialam sa nangyayari. " Wala ka man lang nakitang takot sa mukha niya. " sabi ko. " Gusto niyo po tulungan namin siya, Prince Ivan. " sabi nong bodyguard ko. " Nagsabi ba akong tulungan siya? " seryusong tanong ko sa kanya. " Sorry, Prince. " sabi niya. Bakit namin siya tutulongan? Magkakila ba kami? Gulo niya yan kaya wala kaming dahilan para tulongan siya. Kagagawan niya ang nangyari sa kanya. Kaya wala kaming pakialam kung ano man ang nangyari sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanila. Mas lumapit pa ang tatlo sa kanya, pero siya parang wala lang? Napansin kung hahawakan na sana ng isang lalake ang mukha niya ng mabilis niya itong pinigilan. " Alam mo ba kahit sinong lalake, ay hindi pa nakakahawak sa mukha ko? Kaya ikaw, huwag ng huwag mong hahawakan ang mukha ko.. Kung ayaw mong masaktan. " maangas nitong sabi. Wala ka talagang makikitang takot sa mukha niya. Parang naghahamon pa ito ng away sa kanila. " Umalis na tayo. " sabi ko sa kanila. Hindi ko na kailangan pang malaman kung ano ang gagawin ng mga lalake sa kanya. Wala naman akong pakialam don sa babaeng tomboy na yun. Pero bago pa ako makapasok sa kotse, nakita ko kung paano niya suntukin ang lalake sa mukha. Hindi kapa-kapaniwala na kayang sumuntok ng mga babae? Pero sabagay hindi naman talaga siya babae. Dahil kung pumurma daig niya pa ang mga lalake. * Maxenne Pov * Akala mo kung sinong matatapang. Ang dali-dali lang nilang patumbahin. Ako lang mag-isa tapos tatlo sila, ang lalaki pa ng katawan nila! Yun pala walang laban sa akin? Akala mo kasi kung sinong matatapang, yun pala walang maiibuga. " Ano kaya niyo pa? " tanong ko na may halong paghahamon sa kanya. " Napatumba mo nga kami! Pero hindi mo naman kami mapapatumba sa Tennis. " sabay kuha nya ng rocket. Aba! Gusto pa yatang makipaglaro sa akin ng Tennis? Hindi niya ba alam na kahit anong sports wala akong inuurongan. " Gusto niyo ng laro! Pabibigyan ko kayo. " sabi ko sa kanila. Humiram naman ako sa mga bata ng rocket. Pumwesto naman ako sa gitna at ganun din siya. Pero nagulat nalang ako ng bigla niyang paluuin yung bola gamit nong raketa niya. " Muntikan na ako don ha! " inis na sabi ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin. Akala niya bagay sa kanya. Nagsimula na kaming maglaro. Hindi ko alam na may katulad pala si Manriquez. Madaya pala itong maglaro? Akalain mo, akala ko siya lang mag-isa. Yun pala tatlo silang maglalaro. Mabuti nalang, nilalaro namin to nina kuya at papa kaya medyo sanay na ako sa mga ganitong set-up. Kung madaya sila.. mas madaya ako. Wala naman silang sinabing rules kaya ang nangyari? Sa katawan ko sila pinatatamaan, sinubukan din nila yun sa akin pero lagi ko naman itong iniiwasan. Dahil nga sinanay na ako nila Papa at Kuya. Mas matinik pa nga sa akin maglaro ang mga kumag na yun, dahil pagdating sa sports walang pamilya-pamilya! Laban kung laban! Kaya ang ending panalo ako at puro pasa ang katawan nila. Nagkamali kasi sila ng kalaban. At talagang tennis pa ang pinahamon nila sa akin na ito ang pangalawang sports na gusto ko. Kaya wala pang nakakatalo sa akin sa tennis, maliban nalang sina kuya at papa. Isa rin kasi silang mandadaya sa pamilya ko. Pero ang paborito ko talagang sport ay basketball. Itong sports ang hindi ako matatalo nila Kuya. Magaling ako sa basketball, kaya marami akong nakuhang MVP award. Simula pa noon ito na ang nilalaro ko. Naimpliwensya kasi ako sa mga napapanood ko sa TV na naglalaro ng basketball. Lalo nat yung sa husay nilang magshot at magpasa ng bola. Sobrang galing kaya yun. Kaya nagpractise at nagpractise ako ng mabuti sa paglalaro sa basketball hanggang sa marunong na ako at naging Captain ng Team ko. Malaking bagay na sa akin ng makakalaro ako ng basketball.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD