Matapos ang batian session namin. Nakipaglaro naman ako sa mga bata, ang saya-saya nga dahil ang kukulit nila. Lalo nat yung tawa nila na akala mo wala ng bukas? Talagang makakasabay ka sa kanila. Makikita mo talaga sa kanila yung kasiyahan na hindi mo talaga ipagkakait sa kanila. Dahil yun nalang ang meron sa kanila. Nung hapon na, pumunta naman kami sa plaza nila. Pinakain ko rin sila ng mga street foods na pareho naming paboritong lahat. Ang sasarap kasi nong mga tinda nila, lalo na yung mga kwek-kwek, isaw at fishball. Hindi nga namin namalayan sa sarap namin sa pagkakain, nakaabot na pala ako ng isang daan na babayarin kay Manong? Pero okay lang worth it naman e. " Ang saya nila tingnan no. " sabi ni Sophie na katabi ko lang. Pareho naming pinanunuod ang mga bata na naglalaro sa ma

