As usual, katulad ng mga nakaraang araw ay maaga sila sa ubasan. At ganoon din naman si Carol. Ikalimang araw na nila sa Plantation. And thank God it's Friday. After ng araw na ito ay siguradong makakapagpahinga na sila. "Good morning, Trainees! You know the drill. Let's get it on." with full of energy na sabi ni Florence habang antok na antok naman ang mga ito pati na rin si Gianne. Paano ay kakaunti lang ang tulog niya ng gabi iyon. Dadalawang oras nga lang yata ang tulog niya. Napanaginipan niya kasi ang best friend niyang si Maxine. Parang buhay na buhay ito at halos parang totoo. Magkasama raw sila sa isang beach resort. Masayang nagtatampisaw sa dagat. Pagkatapos ay nagpunta raw si Maxine sa malalim na lugar hanggang sa palayo ito nang palayo sa kanya. Nagising na lang siya na tum

