"I'm back, Nanang!" sigaw ni Gianne malayo pa lang sa gate ng apartment nila. May limang unit na magkakatabi roon at ang katabi ng unit niya ay ang landlady nila na si Nanang. At sa kabila naman ay si Stanley. Ang gwapo nilang kapitbahay na nagtatrabaho sa kabilang building na pinapasukan niya. "Ging Ging!" sigaw naman nito sa kanya. Nasa late forties pa lamang ito at byuda. Iniwan ito ng kanyang asawa nang maaksidente ito sa abroad. "Kumusta naman ang bakasyon?" nakangiting saad ng landlady. "Naku po. Anong bakasyon? Trabaho po ipinunta ko roon." napapakamot sa ulo na saad ni Gianne sa pang-uusisa ng landlady. Ito ang unang nakilala niya noong naghahanap siya ng matitirhan pagtungtong niya ng Maynila. Mabait ito at talaga namang maaasahan. Parang pangalawang Ina na ang turing niya rit

