"Coffee?" alok ni Cameron nang pumatak ang alas-tres. Break time na nila at nais niyang i-treat ng coffee si Gianne sa baba. "Tara." agad na sagot naman ng dalaga. May tinatapos naman na trabaho si Bertha kaya hindi na ito sumama sa kanila. "One Mocha Frappe to go please." sabi naman ni Miss Ghie na busy rin sa reports nito. "Sure, Miss Ghie." sagot naman ni Gianne. Mukhang good mood na si Cameron at wala nang Bruce na dumating o CEO na nagpatawag dito. Nagtungo sila sa ibaba ng building sa coffee shop. Dinala na rin ni Gianne ang sandwich na bigay ni Cameron. "Salamat pala rito." sambit pa ng dalaga nang pasakay sila ng elevator. Si Cameron na ang pumindot ng ground floor. "Wala iyon. Naisip ko kasi baka maospital ka na. Last time sa clinic ka lang napunta. Masama nagpapalipas ng gut

