Sa buhay natin, iilan lang ang handa kang pakinggan. May nakikinig nga, hindi ka naman iniintindi. Iyong iba, tatawagin ka pang overacting o OA kapag nagbabahagi ka ng saloobin.
Hindi naman natin kailangan ng taong bibigyan tayo ng advice. Ang kailangan natin ay iyong mapaglalabasan natin ng sama ng loob, iyong dadamayan ka sa pamamagitan ng katahimikan.
At the end of the day, wala namang magagawa ang advice na iyan, dahil nasa sa'yo ang huling desisyon kung anong gagawin mo. Ikaw mismo ang babago sa sarili mo, hindi ang ibang tao.
Ngunit hindi lahat ng tao magkatulad ng opinion, ang iba, kakailanganin nila ng taong magagabay sa kanila para sa tamang desisyon.
"Reveal your darkness before me, and I'll decide whether to let you borrow my light."
Napatitig si Asta kay Patricia na nakatagilid pa rin ng higa. Nakapatong ang ulo nito sa palad habang nakapiko ang siko.
Madilim ang kwarto pero naaaninag pa rin ni Asta ang mukha ng babae. Her long hair is flowing freely on her soft shoulders, her eyes is like looking at his soul. Itim na itim ang mga mata ni Patricia, tila kahit ang sinag ng buwan ay hindi mabibigyang kislap ang kadiliman sa mga mata nito.
Hindi niya namalayang hinahaplos na pala niya ang mukha nito, natigil na lamang ang kanyang kamay nang mahigpit itong hinawakan ng babae.
Napapahiyang ibinaba niya ang kamay at tumalikod dito.
Nakakahiya ka, Asta! Nabighani ka lang sa ganda niya, kung saan saan na dumadapo ang makasalanan mong kamay!
Gusto na lamang niyang kainin ng lupa sa sobrang kahihiyan.
"Bakit pa ba ako nabubuhay, kung ganito lang rin naman ang mangyayari sa akin?" Biglang tanong ng babae na nagpahinto sa kanya. "May naging malaking kasalanan ba ako, para parusahan ako ng ganito?"
Napalingon siya dito. Seryoso lamang itong nakatitig sa kanya na tila wala itong sinabing eksaktong eksato sa iniisip niya kanina!
"Asta, some questions are never meant to have an answer. You just need to have faith in Him and surrender your life to Him. Surrendering your life does not mean you do nothing, listen to His voice, and let Him guide you to your happiness."
"Who is He? Where is He? Why Him?" sunod-sunod na tanong niya. Hindi niya napigilan ang sarili at umopo, humarap siya sa babae at nakita ang reaksyon nitong nagulat sa mga katanungan niya. "Totoo bang may Panginoon? O gawa-gawa lamang ito ng mga tao?"
Bumaba sa kama si Patricia at nanlalaki ang matang tinignan siya. Hindi niya alam kung saang parte ng sinabi niya ang dahilan upang magulat ito ng ganyan.
Ni minsan ba, hindi naisip ng babaeng tanungin ang sarili, kung may katotohanan ba ang pinapaniwalaan nito?
"Asta, why are you questioning His Glory?" Patricia gasped, tila nahihirapan itong huminga dahil sa sinabi niya.
"What's wrong? I was just seeking confirmation, is it bad? Mapupunta na ba ako sa impyerno nito?"
Arogante siyang tumawa. Matagal na niya itong kinikimkim sa kanyang isipan. Kung totoong may Panginoon, bakit siya nito hinayaang maging miserable ang buhay?
Bumagsik ang tingin ni Patricia sa kanya, tila hindi nito nagugustuhan kung saan patungo ang kanilang usapan. Umiling ito na parang dismiyado.
Tinignan na lamang niya ang babaeng maglakad patungo sa pinto. Bago ito lumabas at lumingon muna ito sa kanya at nag-iwan ng mga salita.
"I'll prove to you that He is real."
Pinanood niya ang pagsara ng pinto. Pagod siyang humiga sa kama at sandaling natulala. Mayamaya pa ay bigla siyang napaisip.
Sigurado siyang walang pera si Patricia. Inimbistigahan na niya ang mga gamit nito at puro damit lang ang nakita niya.
Saan naman ito pupunta, gayong wala itong pera pang book ng hotel room?!
Kinabukasan pag tingin niya sa kanyang credit card, nabawasan ang laman niyon. May kutob na si Asta kung sino ang may kagagawan nito kaya pumanhik siya sa receptionist para mag tanong.
"Ay sir, iyong kasama mo pong babae ang nagpa-book ng room kagabi. Sa room 301 daw po i-charge ang fee," ngiting saad ng babaeng receptionist.
Hotel room? Eh bakit ganoon kalaki ang nabayaran niya?! Gold ba ang furnitures ng room na iyon at umabot halos isangdaang libo ang fee?!
Pakiramdam ni Asta ay tinakasan siya ng bait. May pera siya pero hindi pa siya baliw para kumuha ng ganoon ka mahal na room!
"Tell me," nagpipigil ng inis na hinarap niya ang receptionist. Natigilan ito at bahagyang kinabahan dahil sa tono ng pananalita niya. "VIP room ba ang kinuha niya?"
Para sa isang kwarto lang, para sa isahang pag gamit lang, gumastos siya ng libo-libong pera para lang doon?! Mabuti nga at hindi ang perang inilaan ng parents niya ang nagamit kundi ang personal savings niya. Medyo nakahinga siya ng maluwag doon, ayaw naman niyang gastusin ang perang pinaghirapan ng mga magulang niya para lang sa ganitong bahay no!
Pero nakakainis pa ring isiping naisahan siya ng babaeng iyon.
"Yes po, sir," mahinang sagot ng receptionist.
Napapalatak na lamang siya at pumihit pabalik sa hotel room niya. Ayaw niyang pagbuntungan ng inis ang kawawang receptionist, mas mabuti pang matulog na lamang uli siya!
Lumangoy kaagad siya sa kama at hinawi ang mga unan. Nagbagsakan ang mga ito sa sahig ngunit wala siyang pakealam.
"Sawa ka bang unan lang laging niyayakap?"
Napalingon siya sa gawi ng pinto nang bigla na namang sumulpot si Patricia. Pinanood niya itong lumapit sa kanya at sumampa sa kama. Napaatras siya, anong binabalak nito?
"Itabi mo, ako na."
Sa gulat ni Asta, biglang tumabi sa kanya ang babae at mapahangas siyang niyakap! Hindi pa ito nakuntento, isinubsub pa nito ang mukha niya sa flat nitong dibdib!
Naamoy niya ang kakaiba nitong bango. Hindi niya maipaliwanag ngunit tila gumaan ang pakiramdam niya sa amoy palang nito. Her scent is the unique earthy smell associated with rain. Nakakalito, oo, pati nga rin siya nalilito na eh!
Nakaka-relax din ang presensya nitong tila dinuduyan siya ng isang mainit na kamay.
Natauhan lamang si Asta nang may kumatok sa pinto, kumalas kaagad siya sa babae. Humihingal siya sa sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso!
Anong kabaliwan naman kaya ang pumasok sa isip nito at nagawa siya nitong yakapin ng ganoon?!
Hihimatayin talaga siya sa nerbyos dahil lang sa baliw na babaeng ito.
Nilapitan niya kaagad ang pinto para pagbuksan ang kung sino mang nagligtas sa buhay niya. Tinapunan niya muna ng nagbabantang tingin ang babaeng nakahiga sa kama at kampanteng nakatitig sa kanya.
Umiling na lamang siya sa ka-weirdohan nito at binuksan ang pinto. Mabilis na bumati ng tingin sa kanya ang isang lalaking hotel staff.
"Good morning, sir! Nandito na po ang breakfast na inorder niyo."
Order? Wala siyang maalalang nag-order siya ng pagkain. May pumasok na ideya sa kanyang isipan kaya napalingon kaagad siya kay Patricia. Isang tao lang naman ang may malakas na loob na pagtripan siya ng ganito.
Wala na siyang nagawa at pinapasok na ang staff. Lumaki ang ngiti ng hotel staff nang makita si Patricia. Bigla naman siyang nataranta at mabilis na tinakpan ang buong katawan ng babae kasama ang ulo. Paano ba naman kasi, tila nang-aakit ang posisyon nito sa kama!
"Enjoy your honeymoon po!" Pahabol pa ng staff habang palabas ito ng kwarto.
Sinarado niya kaagad ang pinto. Loko 'yun ah! Pagkamalan ba naman silang mag-asawa!
Tinignan niya ang mga pagkaing inorder 'niya'. Sobrang dami niyon na aakalain mong may pakakainin silang limang tao! Sino naman ang uubos lahat ng ito?!
Tinignan niya si Patricia na inilabas ang ulo sa kumot. As usual, nakatingin na naman ito sa kanya na parang siya lang ang tao sa mundo. Naiilang siya sa mga tinginang iyon, hindi naman sa nakaka-inlove ngunit may kakaibang hatid ang mga tingin ni Patricia.
Lungkot, pagod, problemado, yan ang mga emosyong nararamdaman niya sa mga titig nito.
Tinuro niya ang pagkain. "Ubusin mo lahat yan," utos niya dito. Pumasok siya sa banyo para maligo, sinilip niya muna ang babae at pinanlakihan ng mata. "Paglabas ko dito, dapat ubos na lahat yan, maliwanag?"
Wala siyang nakuhang sagot mula dito kaya tumalikod na lamang siya at pumasok sa banyo.
Hindi niya talaga maintindihan si Patricia. Minsan ay sobrang seryoso nito, minsan naman ay ganitong pinaglalaruan siya. Ngunit kadalasan ay magkakatulad na emosyon lang ang nakikita niya sa mga mata nito.
Tila ba mas mabigat ang problema nito kesa sa pinoproblema niya. Nararamdaman niya iyon kahit sobrang tahimik nito minsan.
Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Mas gusto niya sanang mapag-isa sa bakasyong ito ngunit hinahayaan niya itong umaligid sa kanya.
Bakit? Bakit ganito ang mga nararamdaman niya?
Hinawakan niya ang parte ng kanyang dibdib kung saan nakatago ang kanyang puso. Hindi nakatakas sa kanyang pansin ang pagbilis ng t***k ng bagay sa loob ng kanyang dibdib sa tuwing nagkakadikit silang dalawa ni Patricia.
Natatakot na rin siya sa sariling nararamdaman, ilang araw pa lamang silang magkakilala ng babae tapos ganito na ang nangyayari sa kanya?!
Nang matapos siyang maligo at magbihis ay lumabas kaagad siya para kumain. Ngunit laking gulat niya nang makitang sobrang linis ng mesa!
Kulang nalang ay baliktarin niya ang mga platong wala ng laman dahil sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwalang tinotoo nga ng babae ang utos niya, hindi pa siya tinirhan!
Nang lingunin niya ang kama, ayon at ang himbing ng tulog ng bruha!