"I can manage." Anong akala niya magpapadala siya? Neknek niya. "But I might consider it." Wala na. Nabubuang na naman siya. Namamalikmata na siya? Talaga bang sumigla ang mga mata nito? "OK. Call us then." Iyon lang at tumalikod na ito para umalis. Sinundan niya ito ng tingin. Nananaginip na naman siya ng gising. Hindi mangyayaring sisigla ito dahil sa kanya ano. Assuming lang talaga siya. "INDAAAAY!" sa ikalawang pagkakataon, muntik na naman siyang mahulog sa upuan. "Ashley! Be careful! Muntik ng malaglag si Victoria!" gulat na sita ni Madelyn. "Oops! Sorry, naexcite lang." Nandito na naman ang mga bruhang to. sabi niya sa isip. Hinarap niya ang mga ito. "Bakit ba bigla nalang kayong sumusulpot?" "Heeey, ano yun ha? Bakit kakalabas lang ni Dominic dito ha? Anong nangyar

