Prologue

1206 Words
2 months ago "Malapit lang yun, unting lakad lang 'no " sagot ko sa kabilang linya habang kinukuha ang mga gamit ko sa dining table."Papunta na rin ako d'yan" tuluyan ko ng isinara ang pinto ng condo ko at naglalakad papuntang elevator. Nagmamadali kasi talaga ako para makipagkita kay kath kaso natulugan ko ito       ka- papanuod ng kdrama. Akala ko rin kasi ay hindi na kami matutuloy sa lakad ay mas okay kaya ang biglaan kaysa sa pinapa plano minsan lang naman kaae natutuloy yung ganun Pagkapintot ko nito ay tumunog na kaagad, pumasok na ako dito at pinindot ang ground floor. I'm only wearing fitted black dress at rubber shoes tapos sling bag trip ko sana na mag skirt kaso hindi ko alam at napagtripan kong mag dress ngayon. "Oo nga kath, papunta na rin ako just chill ok?" bumuntong hininga ako bago pinasok sa loob ng bag ko ang phone ko. Napatingin nalang ako sa mga taong nasa loob din ng elevator na sa 'kin nakatingin. Hindi ko naman kase sinasadya na lakasan ang boses ko, hays itong si kath kase madaling madali. Samantalang s'ya naman itong matagal mag reply kung matutuloy ba kami. May usapan kami na mag kikita sa national bookstore na malapit sa university na pinapasukan namin. We're planning to paint for the orphan children. Kada year pumu punta kami ni kath sa bahay ampunan, doon ko rin sya nakilala. Tanda ko pa na masama ang tingin nito sa agad dahil sa natapon na juice sa kanyang damit hindi ko naman sinasadya yun 'no natabig lang ang kamay ko. Akala ko hindi ko na s'ya makikita muli pero pag  kalipas ng tatlong buwan ay kita ko sya ulit, syempre bilang volunteer at nag  bibigay ng donation sa ampunan nag ka kausap kami at nagkakasama para sa mga aktibidad na ilulunsad. Saktong pagbukas ng elevator ay nag uunahan silang lumabas samantalang ako naman ay umatras hindi ko ugaling makipag unahan dahil sa kahit anong laro alam ko sa sarili ko na talo ako. Hahaha joke lang. Pag kalabas ko agad ng elevator ay dali dali akong lumabas ng building at lumiko sa gilid. Tumawid ka agad ako sa pedestrian lane habang wala pang nag dadaan gaanong tao sa paligid. Lumakad muli ako diretso rito at lumiko sa kanan. Hays ,grabe andaming tao na kasabay ko tumawid kaya iniharap ko ang bag ko. Hindi parin nag gi green ang traffic light, 'pag ka green nito ay nag madali akong sumabay sa mga tao.Ilang hakbang nalang papunta ng national bookstore. Naglakad lang ako muli ng naglakad hanggang sa pag huling pagtawid ko pupuntang coffee shop which is yung bungad nito dahil sa gilid nito ang national. Habang nag naghihintay na mag green ulit yung traffic light pakiramdam ko bumabagal ang nasa paligid ko kahit alam kong impossible,napapailing nalang ako napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Narinig ko nalang ang busina ng isang sasakyan,nag madali agad akong tumawid hays tanga bakit kase ako humaharang sa daanan. "Nice to see you again" biglang natigil ang mundo ko ng ilang segundo. Para akong na istatwa sa pwesto ko. Huminga ako ng malalim kasabay ng pagbagsak ng balikat ko. Ayukong lumingon baka maaring panaginip lang ito. Ayuko lumingon dahil hindi ko pa tanggap,ayukong lumingon. "Rysee" Whooo bumuntong hininga muli ako at humakbang tatakbo na sana ako ng muli itong nagsalita. "Hindi ka pa rin nagbabago tss, hindi ba napapagod takbuhan at takasan ang katotohanan?" lumingon ako dito na nakatingin sakin ang mga mapupungay nitong mata. "Uh" tanging naisambit ko. Wala akong ibang nakikita sa paligid, pakiramdam ko ang bilis ng lahat ng pangyayare. Ang mata ko ay nakatuon lamang sa taong 6 na buwan na ng huli kong nasilayan. "What do you want?" He asked. "An answer, bakit?" unti unti syang lumalapit habang ako naman ay humahakbang papaatras. "Pwede ba rysee kahit minsan" ramdam ko ang galit at diin nito, nakayukom na ang mga kamao n'ya at nakapamewang. " Let's go the coffee shop so we can talk" nauna akong pumasok hindi ko rin s 'ya nilingon kung sumunod ba ito. Pag kahanap ko ng pwesto sya umupo agad ako habang sya naman ay unti unting papalapit palang sa'kin. "Anong gusto mo?" I smiled. Tumango lang ito mukhang nakuha naman na nya, umalis agad ito at nag order muna. Tinext ko muna si kath kaya nag compose ako ng message dito na, Kath, mas malalate ako. May importante lang akong kakausapin. Wala pang isang minuto ay nag reply ito. What? rysee kanina pa ako dito. Sino ba yan? Rysee sino yan? Dinial ko ang numero ni kath nakakailang ring pa lang ay sinagot na agad nito. "Ano sino?" naiinis na sambit nito sa kabilang linya "Rysee ano na,Asan ka na?" "Just calm down please?"I sighed. "Okay, I'm sorry sasabihin ko nalang mamaya" Then she hang up. I'm sorry kath, hays.Bumalik na uli sya sa pwesto naman with confused look. "Wala"  Umiling ako dito at tumango lang ito. "Kamusta ka na?" Halos dalawang minuto akong nakatitig lang dito at ramdam ko ang luhang nanggigilid sa mga mata ko. "I see" he smiled. "B-bakit ka andito?" " Naliligaw lang ako may pupuntahan sana ako." "B-bakit mo ako iniwan ng walang dahilan?" "Rysee, may mga bagay na mas okay kung hindi nalang sasagutin. Alam ko naman na alam mo yung sagot so why do you need to ask the obvious?" "So bakit mo pa inumpisahan? Bakit mo pa ako ginulo? Bakit mo sinabi na mahal mo ako?" He looks at me "Kasi mahal mo ako until now matanong ka pa rin" ngumisi to "Change is constant," simula nito "Yes,minahal kita pero tapos na yun." Napalunok nalang ako at napakagat nalang sa labi "I don't know when I mean kung kelan nawala kase  kahapon okay naman tayo 'diba?" tumawa ito "Basta mahal kita kahapon pero pag gising ko hindi ko alam yung pakiramdam na gusto na kitang ayawan kase hindi na tulad ng dati, nag  sasawa na rin siguro ako dahil sa paulit ulit tayong nag aaway." "Pero sabi mo normal lang yu-" "Ang mag away araw-araw rysee?" He chuckled. "Akala ko naman kase natututo ka tingnan mo oh until now ang immature mo mag isip, alam mo ba na kaaway na'tin araw araw dito tayo napunta kung saan tayo ngayon?" "At so tingin mo matured ka dahil d'yan?" wow ha? "Tinawag mo akong baliw dahil sa depression ko? Sasabihin mo nasa isip ko lang 'to lahat, Akala ko ba naiintindihan mo ako bakit sinumbat mo sa 'kin yung mga bagay na ikaw rin naman ang may gusto." "Calm down, nakakahiya ka." umayos ito ng upo "Nasagot ko naman na tanong mo, I need to go?" tatayo na sana ito para umalis. "Sa-sana yung pagkukulang ko napupunan n'ya, yung mga bagay na hindi mo maramdaman sa 'kin I guess na paramdam n'ya sayo. I'm really happy na masaya ka na, masaya ka sa taong pinili mo habang may tayo pa. H-hindi ka nga nag kamali ng pinili." Pilit akong ngumiti habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko at lumabas ng coffee shop. Hindi ko alam kong tatakbo ba ako o sisigaw basta alam ko sa puntong iyon ay nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD