“Maraming salamat,” walang gana niyang sabi kay Emitt nang huminto ang sasakyan nito sa highway kung saan harap ng eskinitang papasok kung nasaan ang bahay niya. Buong araw siyang walang gana at hindi niya nga alam kung bakit kahit papaano ay nagawa niyang matapos ang trabaho niya. Hindi niya rin alam kung nahalata siya ni Emitt. Hindi naman siguro dahil hindi naman nagtanong ang lalaki buong araw. “Katrina,” tawag sa kanya ni Emitt kaya natigilan siya sa paglabas sa sasakyan nito. “Hmm?” tanong niya at gustong-gusto na talagang lumabas. “Huwag ka munang lumabas,” sabi ni Emitt kaya nangunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Bakit naman hindi siya palalabasin ni Emitt? Wala naman na silang dapat na pag-usapan na dalawa. “Siya ba ‘yong babaeng sinubukan kang saktan?” tanong ni Emi

