“Nasaan si Dak?” tanong ni Eduardo nang makapasok na ito sa kwarto nila. Katatapos nilang kumain. Tahimik lang silang dalawa ni Dak kanina sa hapagkainan. Hindi niya nga alam kung nahalata ni Eduardo at ng Lola niya na tahimik silang dalawa. Wala naman siyang gustong sabihin at hindi niya talaga alam kung paano magbubukas ng pag-uusapan. “Hindi ko alam, baka sa kwarto niya, tignan mo na lang do’n,” mahinang sabi niya at inaayos ang kama niya. Ayaw niya rin naman pag-usapan si Dak ‘no. “Grabe eksena kanina, ano?” sabi ni Eduardo kaya napailing naman siya. “Kamusta? Kahit kailan talaga ay hindi ka tatantanan ng sakit na hatid ni Emitt, ‘no?” Natawa na lang siya ng mapait dahil sa sinabi nito. Pero tama naman ang kaibigan niya. Hindi talaga siguro titigil si Emitt na sa

