Nagising si Katrina nang mabigat ang lalo't hindi na niya nakausap kagabi si Dak dahil nang sabihin nito na naging biktima ang ina nito ng pagmomolesya at si Dak ang naging bunga no'n ay iniwan na siya ng binata. Matagal bago siya nakatulog kagabi pero walang Dak na bumalik. Tumagilid naman siya ng higa at sinilip ang higaan ni Dak at inaasahan niya na malinis na 'yon at wala na ang mga gamit ng binata pero nagkamali siya. Dahil ngayon ay nakikita niya ang kalmado at inosenteng mukha ni Dak habang mahimbing na natutulog. Hindi niya alam pero sobrang mapayapa talaga ang mukha ni Dak kapag natutulog. Hindi niya alam pero biglang kumabog ng mabilis ang puso niya. Biglang may kung ano sa mga t'yan na kumikiliti doon. Dak... Ang lalaking natutulog sa kwarto niya ay grabe ang pinagdaanan. '

