"Kanina ka pa tulala, nakaalis na 'yong dalawang asungot hindi ka pa rin makausap ng maayos," rinig niyang sabi ni Dak sa likuran niya kaya napapikit na lang siya. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Ano ang magagawa niya kung doon bumabalik ang isip niya kahit ayaw naman talaga niyang isipin 'yon? Pinapahirapan niya lang ang sarili pero hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya rin nakausap si Brian. Hindi niya nabigyan ng sapat na atensyon. Ang alam niya lang ay nag-aalala si Brian sa kalagayan niya kaya nandito ito kanina. Wala naman dapat na ipag-alala. Ayos na si Dak kaya siguradong makakabalik na siya sa trabaho niya para kumita ng pera. Iyon naman talaga ang importante sa lahat. "Wala... wala lang naman 'to." Nagsinungaling na lang siya sa binata. Nandito siya ngayon sa lab

