"Iniisip mo pa rin 'yong sinabi ko sa 'yo?" tanong ni Brian sa kanya. Nasa labas kasi siya ngayon dahil gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin. "Gabi na, hindi ka pa rin matutulog?" tanong naman niya kay Brian kaya narinig niya ang tawa nito. Dito ngayon sa kanila matutulog ang binata. May pinagdadaanan ito kaya alam na alam niyang kailangan nito ng makakausap. "Hindi ako makatulog. Iniisip ko kung tama lang na sinabi ko sa 'yo," mahinang sabi ni Brian kaya natigilan naman siya. "Hindi ko naman sasabihin sa kanya, huwag kang mag-alala. Nagulat lang ako kasi hindi ko akalain na magkakagusto ka sa kapwa mo lalaki," mahinang sabi niya kaya natigilan naman si Brian. Nakita niya ang lungkot sa gwapong mukha nito. Gulat pa rin siya sa nalaman niya tungkol sa binata. "'Di ba sinub

