“Naku hindi makakapunta si Inang ah, ngayon pala ang byahe niya. Nagkaproblema kasi sa bukid kaya ‘yon kailangan niyang umuwi,” sabi ni Eduardo kaya napataas siya ng kilay at napatingin sa bag na dala nito. “Nandito ka para makikain, pero ba’t may dala kang gamit?” tanong niya sa kaibigan habang nakataas ang isang kilay. Talagang kanina pa siya inaasar ng kaibigan niya. Kinukulit siya kahit paulit-ulit na niya itong tinatakot na sasaktan niya ito. Alam na alam niya agad kung bakit nandito ang kaibigan at gustong maggulo sa bahay niya. Kilala niya si Raula Mae. Si Eduardo man ito o si Raula Mae ay sa tagal nilang magkakilala ay alam niya kung kailan ito lumalandi at bumibira ng kaartehan. Mukha siyang mataray kung titignan pero kilala niya si Eduardo. “Ikaw Katrina ah, a

