Nakauwi na silang dalawa ni Eduardo at sa bahay na naman niya nanatili ang kaibigan at bukas na lang daw uuwi. Alam na alam niya ang galawan nito. Pagkatapos niya kasing maligo, nagpasalamat naman siya at gawa na ang pinto sa paliguan nila at nalaman niya na ginawa ito ni Dak. Mukhang maganda nga na may lalaki sa bahay nila, hindi sa hindi niya kaya ang mga gawain na ginagawa ng mga lalaki, bagkus ay mabuti na kahit papaano ay may gagawa sa hindi niya maharap dahil halos nakagugol ang oras niya sa trabaho. “Hindi pa ba tayo tataas? Inaantok na ako,” sabi niya pero nakita niya lang na ibinaba nito sa lamesa ang natimplang kape. “Dito na muna tayo,” tumatawang sabi ni Eduardo. Nakataas naman ang isang kilay na sinalubong niya ang tingin ng kaibigan. “Hinihintay mo ba si Dak?” tanong ni

