OLIVIA's POV Nang maka get over na sila sa sobrang laking rebelasyon na sinabi ko ay doon pa lang sila nagsimulang makapagsalita at magtanong. "Ba--bakit ngayon mo lang toh sinasabi sa'min? "Euly asked. "Kaya ba mas pinili mo na kami ang maging kaibigan kesa mga straight na babae? Dahil related ka sa'min? "Tanong naman ni Patty. Nahihiya ako sa kanila dahil ngayon ko lang yun sinabi, pero hindi naman madaling magtago ng tunay na nararamdaman eh. "Sinusubukan kong pigilan, I swear to God--- pero hindi ko na kaya eh. Parang sasabog na ang dibdib ko. "Sabi ko pa sa kanila. "Pinipigilan ko para sa image ng parents ko tsaka na rin ni Kuya, panigurado na hindi nila magugustuhan ang balitang yun. Baka itakwil nila ako pag nalaman nila. "Sabi ko. Hindi ko ugaling umiyak pero parang nate

