Chapter 42: Tigre Puso ng puting tigre na pag-aari ng Prime Minister ng China. Utak ng unggoy na pagmamay-ari ng Presidente ng China. COVID-19 secret files na nakatago sa safe ng National Health Commission ng People’s Republic of China. Paulit-ulit na tinataga ni Martin sa kanyang isipan ang tatlong bagay na kailangan niyang makumpletong nakawin upang mapasakamay niya ang kabuuan ng dalawan daang milyong piso. Tatlong buwan bago matapos ang limang buwang taning ni Martin kay Xavier. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Nagtungo siya sa bahay ng Punong Ministro ng Tsina. Balik Beijing siya sa Zhongnanhai, ang official residence ng ministro. Doon niya tatangkaing nakawin ang puso ng puting tigre. "f**k!" Napamura siya kaagad matapos makita ng personal ang bahay. Itsura iyong malaking temp

