Palagi nang napapansin ni Vienna ang pagiging malapit nina Kleries at Zeuter. Madalas ang pagtatanong niya kung na-bu-bully na ba ang kaibigang lalaki. Hindi lang talaga niya mapaniwalaan na normal na nag-uusap ang dalawa. “Close na kayo ni Kleries?” Medyo may pagtatampo ang tono ni Vienna. Nasanay na kasi si Vienna na siya ang palaging kasama, kalaro at kausap ni Zeuter. Nitong mga nakalipas na araw ay bibihira na lang silang nag-uusap. “Huh?” Nagulat na usal ni Zeuter at napalingon kay Vienna. “Uh… Sa tingin ko,” napahimas pa siya sa kan’yang batok. “Talaga? Eh, bakit hindi mo ako sinasali sa inyo?” Medyo masungit nang tanong ni Vienna. Nagtatampo na talaga siya. Bago pa niya nahuli ang kaibigan na kinakausap si Kleries ay siya ang palagi nitong kasama. Mula sa pagpasok, pagkain tuw

