48

2215 Words

Umani ng sari-saring reaksiyon mula sa mga nakarinig ang tinuran ng isang diyosa. Lahat sila ay napatingin kay Zeuter na hindi na malaman kung ano ang magiging sagot. Natameme siya lalo na nang makita ang gumuhit na pag-asa sa kanilang mga mata. “Oo nga! Hindi ba lumabas na ang kan’yang kapangyarihan? Baka naipamana rin ng hari ang kapangyarihan niya sa kan’yang anak,” panggagatong pa ng isang dukesa. “Alam niyong nasa punto pa lang siya ng pagsasanay sa kan’yang kapangyarihan,” wika ni Phyru—ang ina ni Ruthyst. “Kahit na, Phyru. Kung isa talang arelid ang prinsepe ng Fieras Kingdom ay magagawa rin niya ang abilidad ng kan’yang ama.” Naging sunod-sunod pa ang pagtatalo. Hindi na maintindihan ni Zeuter kung alin ang unang pakikinggan. Masyado pang bata ang kan’yang kapangyarihan. Phys

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD