“Ano ba ang gagawin natin dito?” Isang alaala ang lumabas sa isipan ni Ruthyst habang siya ay tinatahak ang daan papunta sa silid na sinabi ni Vienna. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang alaala nila ni Eucarise. “Basta, Ruthyst Pythor, sundan mo lang ako,” wika ng isang babae. Mahinang huminga ng malalim ang prinsepe at ipinagpatuloy ang paghakbang. Kanina pa sila lakad nang lakad. Ilang bundok na ang kanilang naakyat ngunit tila hindi natatapos ang kanilang paglalakbay. Pawis na pawis na nga silang dalawa pero parang hindi iyon alintana ni Lady Euc. “Kapag narinig ka na naman ng mga kawal ay mapaparusahan ka na naman,” naiiling na puna ni Ruthyst dahil sa pagtawag sa kan’ya sa pangalan. “Wala naman sila at huwag ka ngang epal,” pagtataray pa ni

