"What? Gusto mo nang papasok sa trabaho? Puwede bang magpapigil ka naman kahit ngayon lang, my love?" Natampal ni Jameston ang noo dahil sa pagpupumulit ng asawa niyang lalabas na ng pagamutan upang makapasok na raw sa AGDA. "Loud and clear, Mr Smith. Aba'y bakit ba ang kulit mo." Simangot pa nito. "My loves, alam ko ang iniisip mo. Ngunit magpalakas ka muna. Ang kalusugan mo muna ang priority sa ngayon. Kung ang nangyaring pagsabog ang gusto mong asikasuhin ay huwag kang mag-alala dahil joints operations na ang nangyayari. Malawakang imbestigasyon na. Tauhan ng AGDA, ni Jervin, si General Santiago at sina Daylan. Kaya't please, my love huwag mo munang ipagpilitan ang nais mo." Jameston pleaded. Kaso! "Walang kasing-tigas ang ulo ninyong mag-ina, Janellah Pearl. Ganyan na ganyan ang Mo

