Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Mukha namang nakuha ng mga kaklase ko ang gusto naming iparating ni Xan kanina dahil matapos ang ilang subject namin sa pang-umagang klase ay walang hiya-hiya nilang akong nilapitan at tinadtad ng tanong. At ang mga tanong na iyon ay wala nang kinalaman pa sa kung ano ang naging dahilan ng pag-alis ng mga Ehrenberg sa bansang ito o kahit sa opinyon ko sa nangyari noong isang libong taon na ang nakakaraan sa pagitan ng angkan ko at ng mga Shiann. Karamihan sa mga tanong nila ay tungkol na sa personal kong buhay na malugod ko namang sinagot kahit sa totoo lang ay naiirita na ako sa atensyon na natatanggap ko. Pero wala naman akong magagawa dahil ito ang inaasahan naming mangyayari dahil nga sa apelyidong nakakabit sa akin. Napabuntong hi

