Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hindi ko na tinanong pa kay Uno kung saan niya itinago si Graysean. At sinabi din naman niya sa akin na tanging siya lang ang nakakaalam kung nasaan ito kaya minabuti ko nang manatiling ganoon ang sitwasyon. Well, hindi ako takot kay Ara. Pero hindi ko ilalagay sa isang sitwasyon ang mga taong mahalaga sa akin kung saan alam kong ako ang magiging talo. Isa pa, mas makakabuti kay Graysean kung mag-iipon siya ng lakas dahil higit na masakit sa ulo ang susunod na problemang aasikasuhin namin. Ang laban ko sa mga kasalukuyang namumuno sa Valier ang higit kong dapat paghandaan at sa labang iyon ko siya higit na kakailanganin. Sa ngayon kasi, kaya pa ng kapangyarihang mayroon ako ang magiging laban ko kay Ara. Maliban pa doon, malaki din ang tulong ng ka

