"Richelle Clan is here to serve you, Heydrich Ehrenberg." Iyan ang bungad sa akin ni Uno nang tuluyan silang makarating sa mansion. Kasama niya ang kanyang buong angkan, maging ang ilang mga tauhan na tapat na naglilingkod sa kanya. "We will fight for you no matter what happens." Ngumiti ako sa kanya. Alam ko naman na kahit anong mangyari ay manamatiling nasa tabi ko ang mga Richelle lalo pa't hanggang ngayon ay nabubuhay pa si Uno na siyang itinuring ko ding ama noong bata pa ako. Kaya hindi na ako nagtaka pa nang bigla silang dumating dito sa Ehrenberg Mountain dala ang lahat ng kanilang sandata. Kalat na kasi sa buong bansa ang paghahanda ng palasyo ng kanilang hukbong militar upang sugurin ang salarin sa pagsabog na naganap sa Rogue City. At hindi lang ang mga Richelle ang dumatin

