Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Aish!” Inis kong ginulo ang aking buhok pagkuwa’y marahas na tumayo at pinagpagan ang aking damit. “Bahala na!” Tumayo na din si Wayne at kunot noo na tumingin sa akin. “Ano ang ibig mong sabihin sa bahala na?” “We are already here, in the past,” sabi ko. “At kahit anong gawin nating pagmumukmok dito ay hindi tayo basta makakabalik sa mismong panahon natin. Hindi na din naman natin makakausap ang pamilya ko na gumawa ng spell na ito dahil hindi sila nag-e-exist sa parehong panahon. At kahit anong gawin natin ay hindi natin malalaman ang dahilan ng pagdadala nila sa atin dito kung mananatili lang tayo dito.” “So?” aniya. “Ano ang gagawin natin ngayon?” “First,” sabi ko. “Kailangan nating malaman kung anong taon sa nakaraan itong pinagd

