Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov As soon as I got home, I immediately went to the laboratory that Ehrenberg Mansion has in its basement. At dahil masyado nang matagal mula nang huli itong magamit ay agad ko na itong sinimulang linisin nang sa gayon ay makapagsimula na ako sa pag-aaral ng mga blood samples na nakuha namin ni Xan. Hindi kasi imposible na sa mga susunod na oras o araw ay ma-realize na ng mga Shiann o ni Ara ang tungkol sa pagiging espesyal ng dugo ng mga Shiann at magamit niya iyon laban sa amin. And I will not let that happen. “Heyd…” Natigil ako sa paglilinis at napatingin sa pinto ng silid na kinalalagyan ko ngayon. Nakita ko doon si Zeri na kapapasok lang at iginagala ang tingin sa paligid ng silid. “I never knew that there was a laboratory here,” he said. “Sa ta

