Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Kakatapos ko lang uminom ng dugo ni Zeri at sa mga oras na ito ay nakahiga ako sa sofa at nakapikit ang aking mga mata habang pinakikiramdaman ang mga posibleng epekto nito sa akin. Sa dalawang insidente kasi, ang dugo ni Zeri ay higit na nagpapasa sa akin ng kapangyarihang iniwan ni Kei. Habang ang dugo naman ni Wayne ay ang siyang nagpapasa sa akin ng iniwan nitong alaala. Though, that was only part of my theory. Wala pang kasiguraduhan iyon dahil ito palang ang ikalawang pagkakataon na ininom ko ang dugo ni Zeri. Kaya nga gusto kong malaman ngayon kung tama ba ang iniisip ko. Ngunit ilang minuto na yata ang lumipas nang mahiga ako sa sofa’ng ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong nararamdaman na kakaiba. Dahan-dahan kong idinil

