Hedyrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Mai still needs to rest so Papa Wain let her stay at their compound. Ang sabi niya kasi ay hindi pa siya maaaring sumama sa akin hangga’t hindi pa niya naibabalik ang kanyang buong lakas. At hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi na din naman niya ipinaliwanag at nagkulong na siya sa silid na ibinigay sa kanya ng mga Richelle. Habang ako naman ay sinulit ang mga natitirang oras sa araw na ito para makasama si Papa Wain. Maging siya kasi ay hindi pa maaaring magpakita sa labas dahil ang alam ng mga Shiann ay tuluyan na siyang nagpahinga habang buhay. Kaya naman nakaramdam ako ng matinding lungkot nang sumapit ang gabi at kailanganin na naming umuwi. “We can’t just go here freely,” sabi ni Zeri nang tuluyan na kaming makalabas ng Richel

