Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Matapos magpakilala sa akin ni Kuya Wain ay agad ko siyang pinatayo at mabilis na ini-resume ang oras kaya ilang sandali lang ay nagsimula nang kumilos ang mga tao sa paligid namin. Pagkatapos noon ay sinabihan ko siyang ligpitin na ang kanyang tindahan dahil kailangan naming mag-usap. Sinabi niya na sa kanilang bahay na lang kami mag-usap dahil gusto din niyang ipakilala sa akin ang kanyang buong angkan. Pumayag naman ako ngunit sinabihan ko siya na susunod na lamang ako sa kanya dahil may kailangan pa akong puntahan. Hindi ko na nga siya hinintay pang makasagot at agad na akong bumalik sa First Kei University upang ipaalam kay Zeri ang tungkol sa mga Richelle. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng building kung

