Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Nang pumasok ako sa klase namin ay masaya akong binabati ng mga kaklase ko pero hindi na uli nila ako dinumog at pinaulanan ng tanong. Mukhang nasabihan na sila ng mga professors namin kaya magiging normal na ang buong panahon ng pag-aaral ko sa eskwelahang ito. Though, hindi ko pa din maiwasang mailang nang si Greeny ang biglang bumati sa akin. Medyo natigilan pa nga ako at hindi alam ang gagawin kaya nginitian ko na lamang siya at agad na tumalikod sa kanya. Sa bandang likuran ang kanyang upuan habang ang sa akin naman ay nasa bandang gitna kaya hindi kami masyadong makakapag-usap at magiging malapit sa isa’t-isa na ikinahihinga ko ng maluwag. “Hi.” Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa pinakalikod ko kaya agad akong bumaling doo

