Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Alam ko kung paano magtrabaho si Xan kaya wala dapat akong ipag-alala sa kanya ngayong gabi. Iimbestigahan lang niya ang sinasabi ni Greeny tungkol sa mga bampira na nakakulong ngayon sa bilangguan na mayroon sa pinakamalalim na bahagi ng palasyo. Sinabihan ko na din siya na huwag gagawa ng kahit anong ikakapahamak niya at siguruhin na wala siyang kakalabanin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan kaya naman agad akong nagtungo sa main entrance ng Ehrenberg Mountain para hintayin siya. “Bakit ba hindi mo na lang siya hintayin sa mansion?” tanong ni Zeri na siyang kasama ko dito. Bakas ang antok sa kanyang mga mata at ilang beses na din siyang naghihikab ngunit dahil nagpilit akong dito maghintay sa labas ay wa

